Add parallel Print Page Options

Ang Propetang Walang Karangalan

53 Nangyari na nang matapos na ni Jesus ang mga talinghagang ito, umalis siya roon.

54 Pagdating niya sa kaniyang sariling lupain, nagturo siya sa kanila sa kanilang sinagoga. Labis silang nanggilalas na sinabi: Saan kumuha ang lalaking ito ng karunungan at gayundin ang mga ganitong himala? 55 Hindi ba ito ang anak ng karpentero? Hindi ba ang kaniyang ina ay si Maria? Hindi ba ang mga kapatid niyang lalaki ay sina Santiago, Jose, Simon at Judas?

Read full chapter