Add parallel Print Page Options

Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta?[a] Oo, siya'y propeta. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta. 10 Sapagkat(A) si Juan ang tinutukoy ng kasulatan, ‘Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan.’ 11 Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9 Ano nga ba…Isang propeta?: Sa ibang manuskrito’y Bakit nga ba kayo lumabas? Upang makita ang isang propeta?