Add parallel Print Page Options

At sinabi sa kaniya, Ikaw baga (A)yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?

At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:

Ang mga bulag ay nangakakakita, (B)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (C)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.

Read full chapter