Add parallel Print Page Options

26 Huwag nga kayong matakot sa kanila sapagkat walang anumang natatakpan na hindi mahahayag, at walang anumang natatago na hindi malalaman. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay sabihin ninyo sa liwanag. Ang narinig ninyo nang pabulong ay ipahayag ninyo mula sa mga bubungan ng bahay. 28 Huwag kayong matakot sa mga pumapatay sa katawan ngunit hindi makakapatay sa kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na makakapatay kapwa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno.

Read full chapter