Add parallel Print Page Options

24 “Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro, at walang aliping mas higit sa kanyang amo. 25 Sapat na sa isang mag-aaral na maging katulad ng kanyang guro, at sa alipin na maging katulad ng kanyang amo. Kung akong pinuno ninyo ay tinatawag nilang Satanas,[a] gaano pa kaya kasama ang itatawag nila sa inyong mga tagasunod ko?”

Ang Dapat Katakutan(A)

26 “Kaya huwag kayong matakot sa mga tao. Sapagkat walang natatagong hindi malalantad, at walang lihim na hindi mabubunyag.

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:25 Satanas: sa Griego, Beelzebul.