Add parallel Print Page Options

16 Narito, sinusugo ko kayong katulad ng mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya nga, magpakatalino kayong katulad ng mga ahas at maging maamong katulad ng mga kalapati.

17 Mag-ingat kayo sa mga tao sapagkat ibibigay nila kayo sa mga sanggunian. Hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Ihaharap kayo sa kanila upang magbigay ng patotoo laban sa kanila at sa mga Gentil.

Read full chapter