Add parallel Print Page Options

10 At (A)pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.

(B)Ang mga pangalan nga ng labingdalawang apostol ay ito: Ang una'y si Simon (C)na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid; si (D)Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan;

Si Felipe, at si Bartolome; si Tomas, at si (E)Mateo na maniningil ng buwis; si Santiago na anak ni Alfeo at si Tadeo;

Si Simon na Cananeo, (F)at si Judas (G)Iscariote, na siya ring sa kaniya'y nagkanulo.

Read full chapter

12 At nangyari nang mga araw na ito, (A)na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

13 At nang araw na, ay (B)tinawag niya ang kaniyang mga alagad; (C)at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:

14 Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.

15 At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na (D)Masikap,

16 At (E)si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;

Read full chapter