Add parallel Print Page Options

35 At(A) nang siya'y maipako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan.

Read full chapter

24 Siya'y(A) kanilang ipinako sa krus, at pinaghati-hatian ang kanyang mga damit na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang kukunin ng bawat isa.

Read full chapter

34 [Sinabi(A) ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] At sila ay nagpalabunutan upang paghatian ang kanyang damit.

Read full chapter

24 Kaya't(A) sinabi nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin, kundi tayo'y magpalabunutan kung kanino mapupunta.” Ito ay upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi,

“Pinaghatian nila ang aking mga kasuotan,
    at ang aking balabal ay kanilang pinagpalabunutan.”

Read full chapter