Add parallel Print Page Options

28 Sapagka't (A)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (B)dahil sa marami, (C)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

Read full chapter

24 At sinabi niya sa kanila, Ito'y ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami.

Read full chapter

25 Na siyang inilagay ng Dios (A)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (B)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (C)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;

Read full chapter

Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (A)sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo (B)sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

Read full chapter

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (A)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Read full chapter

14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:

Read full chapter

20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (A)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

Read full chapter

12 Kaya naman si Jesus, upang (A)mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay (B)nagbata sa labas ng pintuan.

Read full chapter

Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (A)tayo (B)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Read full chapter

At mula kay Jesucristo na siyang (A)saksing tapat, (B)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (C)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (D)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

Read full chapter