Add parallel Print Page Options

Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(A)

36 “Subalit tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, ni ang Anak[a] kundi ang Ama lamang.

37 Kung(B) paano sa mga araw ni Noe, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

38 Sapagkat kung paano sa mga araw na iyon bago bumaha, sila'y kumakain at umiinom, at nag-aasawa at pinag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko,[b]

39 at(C) hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang baha, at tinangay silang lahat, ay gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao.

40 Kaya, may dalawang taong pupunta sa bukid, ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

41 May dalawang babaing magtatrabaho[c] sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.

42 Magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman kung anong araw[d] darating ang inyong Panginoon.

43 Ngunit(D) unawain ninyo ito, na kung nalalaman ng puno ng sambahayan kung anong bahagi ng gabi darating ang magnanakaw, magpupuyat sana siya at hindi niya hahayaang pasukin ang kanyang bahay.

44 Kaya, maging handa rin naman kayo, sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 24:36 Sa ibang mga kasulatan ay wala ang ni ang Anak .
  2. Mateo 24:38 o daong .
  3. Mateo 24:41 o gigiling .
  4. Mateo 24:42 Sa ibang mga kasulatan ay oras .