Marcos 10:43-50
Ang Salita ng Diyos
43 Huwag maging gayon sa inyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging dakila ay magiging tagapaglingkod ninyo. 44 Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging una ay magiging alipin ng lahat. 45 Ito ay sapagkat maging ang Anak ng Tao ay pumarito hindi upang paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa marami.
Nakakita ang Bulag
46 Sila ay dumating sa Jerico. Habang si Jesus na kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao ay papalabas sa Jerico, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.
47 Nang marinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ang naroon, nagsimula siyang sumigaw. Sinabi niya: O anak ni David, Jesus, mahabag ka sa akin.
48 Sinaway siya ng napakaraming tao upang tumahimik. Ngunit lalo siyang sumigaw: Anak ni David, mahabag kasa akin.
49 Huminto si Jesus at ipinatawag siya.
Tinawag nila ang bulag na sinasabi: Lakasan mo ang iyong loob, tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.
50 Itinapon niya ang kaniyang balabal, tumindig at lumapit kay Jesus.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International