Add parallel Print Page Options

Power Over Demons

They came to the other side of the sea, into the country of the Gerasenes. As soon as Yeshua got out of the boat, a man from the graveyard[a] with an unclean spirit met Him. He lived among the tombs, and no one could restrain him anymore, even with a chain. For he had often been bound with shackles and chains, but the chains had been ripped apart by him and the shackles broken. No one was strong enough to tame him. And through it all, night and day, at the graveyard and in the mountains, he kept screaming and gashing himself with stones.

When he saw Yeshua from a distance, he ran and bowed down before Him. Crying out with a loud voice, he said, “What’s between You and me, Yeshua, Ben El Elyon? I’m warning you, in the name of God, do not torment me!”

For Yeshua had said to him, “Come out of the man, you unclean spirit!” Then Yeshua began questioning him, “What is your name?”

And he answered, “My name is Legion,[b] for we are many.” 10 He kept begging Him not to send them out of the country. 11 Now a large herd of pigs was feeding on the hillside nearby. 12 The unclean spirits urged Him, saying, “Send us to the pigs, so we may enter them.” 13 So Yeshua gave them permission. The unclean spirits came out and entered the pigs. And the herd, about two thousand in number, rushed down the cliff and were drowned in the sea.

14 The herdsmen ran away and told the town and countryside, and they came to see what had happened. 15 Now they came to Yeshua and saw the madman who had had the legion. He was sitting there, dressed in clothes and in his right mind. The people were scared.

16 Those who had seen it described in detail what had happened to the man plagued by a demon, and they also told about the pigs. 17 And they began to beg Yeshua to leave their country. 18 As He was getting into the boat, the man who had been infested with demons kept begging to remain with Him. 19 Yeshua did not let him, but He told him, “Go home to your friends and tell them how much Adonai has done for you, how He showed you mercy.”

20 So he went away and began to proclaim in the Decapolis[c] how much Yeshua had done for him. And all were amazed.

Power in His Touch

21 When Yeshua had crossed over in the boat again to the other side, a big crowd gathered around Him; and He was by the sea. 22 Then one of the synagogue leaders, named Jairus, comes. Seeing Him, he falls at His feet. 23 He begs Him a great deal, saying, “My little daughter is near death! Come and lay hands on her so that she may be healed and live!”

24 So Yeshua went off with him, and a big crowd was following Him and pressing upon Him. 25 And there was a woman with a blood flow for twelve years, [d] 26 who had suffered much under many doctors. She had spent all that she had without benefit; instead, she grew worse. 27 When she heard about Yeshua, she came through the crowd from behind and touched His garment. 28 For she kept saying, “If I touch even His clothes, I shall be healed.”

29 Right away the blood flow stopped, and she felt in her body that she was healed from her disease. 30 At once Yeshua, knowing in Himself that power had gone out from Him, turned around in the crowd and said, “Who touched My clothes?”

31 His disciples responded, “You see the crowd pressing upon You and you say, ‘Who touched Me?’” 32 But He kept looking around to see who had done this.

33 But the woman, scared and shaking, knowing what had happened to her, came and fell down before Him and told Him the whole truth. 34 And He said to her, “Daughter, your faith has made you well. Go in shalom and be healed from your disease.”

35 While Yeshua was still speaking, messengers come from the house of the synagogue leader, saying, “Your daughter is dead. Why do you still trouble the Teacher?”

36 But ignoring what they said, Yeshua tells the synagogue leader, “Do not be afraid; only believe.” 37 He did not let anyone follow Him except Peter, Jacob, and John, the brother of Jacob.

38 They come to the house of the synagogue leader. He sees a commotion, people weeping and wailing loudly. 39 After entering, He said to them, “Why make such a fuss and weep? The child didn’t die, but is sleeping.”

40 They start jeering at Him. But after sending all of them out, He takes the child’s father and mother, and those with Him, and enters where the child was. 41 Then, taking hold of the child’s hand, He tells her, “Talitha koum,”[e] which means, “Little girl, I say to you, get up.” 42 Immediately, the girl stood up and began to walk around! (She was twelve years old.) And they were overcome with astonishment. 43 But He gave them strict orders that no one should know about this, and He said something to eat should be given to her.

Footnotes

  1. Mark 5:2 Lit. tombs.
  2. Mark 5:9 Latin for thousands, a large group of soldiers; cf. Mt. 26:53.
  3. Mark 5:20 The name means Ten Cities.
  4. Mark 5:26 cf. Lev. 15:25-29.
  5. Mark 5:41 Greek transliteration for the general Aramaic command to get up; some mss. read Talitha kumi, referring directly to the little girl.

Pinagaling ni Jesus ang Taong Sinasaniban ng Masamang Espiritu(A)

Dumating sila sa kabila ng lawa, sa lupain ng mga Geraseno.[a] Pagbaba ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking galing sa kwebang libingan. Ang lalaking itoʼy sinasaniban ng masamang espiritu, at doon na siya nakatira sa mga libingan. Hindi siya maigapos ng matagal kahit kadena pa ang gamitin nila. Ilang beses na siyang kinadenahan sa kamay at paa, pero nalalagot niya ang mga ito. Walang nakakapigil sa kanya. Nagsisisigaw siya araw at gabi sa mga libingan at kaburulan, at sinusugatan ang sarili ng matatalas na bato.

Malayo pa si Jesus ay nakita na siya ng lalaki. Patakbo siyang lumapit kay Jesus at lumuhod sa harapan niya. 7-8 Sinabi ni Jesus sa masamang espiritu, “Ikaw na masamang espiritu, lumabas ka sa taong iyan!” Sumigaw ang lalaki, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Dios? Nakikiusap ako, sa pangalan ng Dios, huwag mo akong pahirapan!” Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Kawan, dahil marami kami.” 10 At paulit-ulit na nagmakaawa ang masamang espiritu kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

11 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. 12 Nagmakaawa ang masasamang espiritu na kung maaari ay payagan silang pumasok sa mga baboy. 13 Kaya pinayagan sila ni Jesus. Lumabas ang masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang may dalawang libong baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.

14 Tumakbo ang mga tagapag-alaga ng baboy papunta sa bayan at ipinamalita roon at sa mga kalapit-nayon ang nangyari. Kaya pumunta roon ang mga tao para alamin ang tunay na nangyari. 15 Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong dating sinasaniban ng kawan ng masasamang espiritu. Nakaupo siya at nakadamit, at matino na ang pag-iisip. Kaya natakot ang mga tao. 16 Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung ano ang nangyari sa taong iyon at sa mga baboy. 17 Kaya pinakiusapan nila si Jesus na umalis sa kanilang lugar. 18 Nang sumasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya. 19 Pero hindi pumayag si Jesus. Sa halip, sinabi niya sa lalaki, “Umuwi ka sa pamilya mo at sabihin mo sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at kung paano ka niya kinaawaan.” 20 Kaya umalis ang lalaki at ipinamalita sa Decapolis,[b] ang ginawa sa kanya ni Jesus. At namangha ang lahat ng nakarinig tungkol sa nangyari.

Ang Anak ni Jairus at ang Babaeng Dinudugo(B)

21 Nang bumalik si Jesus sa kabila ng lawa, napakaraming tao ang nagtipon doon sa kanya. 22 Pumunta rin doon si Jairus na namumuno sa sambahan ng mga Judio. Pagkakita niya kay Jesus, lumuhod siya sa paanan nito 23 at nagmakaawa, “Agaw-buhay po ang anak kong dalagita. Kung pwede po sana, sumama kayo sa akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, para gumaling siya at mabuhay!” 24 Sumama sa kanya si Jesus, at sinundan siya ng napakaraming tao na nagsisiksikan sa kanya. 25 May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo. 26 Maraming hirap ang dinanas niya sa kabila ng pagpapagamot sa ibaʼt ibang doktor. Naubos na niya ang lahat ng ari-arian niya sa pagpapagamot, pero sa halip na gumaling ay lalo pang lumala ang kanyang sakit. 27 Nabalitaan niya ang mga himalang ginagawa ni Jesus, kaya nakipagsiksikan siya sa mga tao upang mahipo man lang ang damit ni Jesus. 28 Naisip kasi ng babae, “Mahipo ko lang ang damit niya ay gagaling ako.” 29 Nang mahipo nga niya ang damit ni Jesus, biglang tumigil ang kanyang pagdurugo at naramdaman niyang magaling na siya. 30 Agad namang naramdaman ni Jesus na may kapangyarihan na lumabas sa kanya, kaya lumingon siya at nagtanong, “Sino ang humipo sa damit ko?” 31 Sumagot ang mga tagasunod niya, “Sa dami po ng mga taong sumisiksik sa inyo, bakit pa kayo nagtatanong kung sino ang humipo sa inyo?” 32 Pero patuloy siyang tumingin sa paligid para makita kung sino ang humipo sa kanya. 33 Alam ng babae kung ano ang nangyari sa kanya, kaya lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Ipinagtapat niya ang katotohanan kay Jesus. 34 Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling[c] ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa. Magaling ka na.”

35 Habang kausap pa ni Jesus ang babae, dumating ang ilang tao mula sa bahay ni Jairus. Sinabi nila kay Jairus, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.” 36 Pero hindi pinansin ni Jesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairus, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang.” 37 Hindi pinayagan ni Jesus ang mga tao na sumama sa kanya sa bahay ni Jairus. Sa halip, si Pedro at ang magkapatid na sina Santiago at Juan lang ang isinama niya. 38 Pagdating nila roon, nakita ni Jesus na nagkakagulo ang mga tao. May mga umiiyak at may mga humahagulgol. 39 Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa mga tao, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!” 40 Pinagtawanan siya ng mga tao. Kaya pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang tagasunod. Pagkatapos, pumasok sila sa kwartong kinaroroonan ng bata. 41 Hinawakan niya sa kamay ang bata at sinabi, “Talitha koum,” na ang ibig sabihin ay “Nene, bumangon ka.” 42 Bumangon naman agad ang bata at nagpalakad-lakad. (12 taon na noon ang bata.) Labis ang pagkamangha ng mga tao sa nangyari. 43 Pero mahigpit silang pinagbilinan ni Jesus na huwag ipagsabi kahit kanino ang nangyari. Pagkatapos, sinabihan sila ni Jesus na bigyan ng makakain ang bata.

Footnotes

  1. 5:1 Geraseno: Sa ibang tekstong Griego, Gergeseno o, Gadareno.
  2. 5:20 Decapolis: o, Sampung Bayan.
  3. 5:34 pinagaling: o, iniligtas.