Marcos 2
Ang Biblia (1978)
2 At nang siya'y pumasok uli sa (A)Capernaum pagkaraan ng ilang araw, ay nahayag na siya'y nasa bahay.
2 At maraming nagkatipon, ano pa't hindi na magkasiya, kahit sa pintuan man: at sa kanila'y sinaysay niya ang salita.
3 At (B)sila'y nagsidating, na may dalang isang lalaking lumpo sa kaniya, na usong ng apat.
4 At nang hindi sila mangakalapit sa kaniya dahil sa karamihan, ay kanilang (C)binakbak ang bubungan ng kaniyang kinaroroonan: at nang yao'y kanilang masira, ay inihugos nila ang higaang kinahihigan ng lumpo.
5 At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, (D)ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
6 Nguni't mayroon doong nangakaupong ilan sa mga eskriba, at nangagbubulaybulay sa kanilang mga puso,
7 Bakit nagsasalita ang taong ito ng ganito? siya'y namumusong: sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan kundi isa, ang Dios lamang?
8 At pagkaunawa ni Jesus, sa kaniyang espiritu na sila'y nangagbubulaybulay sa kanilang sarili, pagdaka'y sinabi sa kanila, Bakit binubulaybulay ninyo ang mga bagay na ito sa inyong mga puso?
9 Alin baga ang lalong magaang sabihin sa lumpo, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka?
10 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo),
11 Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.
12 At nagtindig siya, at pagdaka'y binuhat ang higaan, at yumaon sa harap nilang lahat; ano pa't nangagtaka silang lahat, at niluwalhati nila ang Dios, na nangagsabi, Kailan ma'y hindi tayo nakakita ng ganito.
13 At muling lumabas at naparoon siya sa tabi ng dagat; at lumapit sa kaniya (E)ang buong karamihan, at sila'y kaniyang tinuruan.
14 At sa kaniyang (F)pagdaraan, ay nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi niya sa kaniya, Sumunod ka sa akin. At nagtindig siya at sumunod sa kaniya.
15 At nangyari, na siya'y nakaupo sa pagkain sa kaniyang bahay, at maraming maniningil ng buwis at mga makasalanang nagsiupong kasalo ni Jesus at ng kaniyang mga alagad: sapagka't sila'y marami, at sila'y nagsisunod sa kaniya.
16 At nang makita ng mga eskriba at mga Fariseo, na siya'y kumakaing kasalo ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsipagsabi sa kaniyang mga alagad, Ano ito na siya'y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
17 At nang ito'y marinig ni Jesus, ay sinabi niya sa kanila, Hindi nangangailangan ng manggagamot ang mga walang sakit, kundi ang mga maysakit: hindi ako naparito upang tumawag ng mga matuwid, kundi ng mga makasalanan.
18 (G)At nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Fariseo: at sila'y nagsilapit at sinabi sa kaniya, Bakit nangagaayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Fariseo, datapuwa't hindi nangagaayuno ang iyong mga alagad?
19 At sinabi sa kanila ni Jesus, Mangyayari bagang mangagayuno ang mga abay sa kasalan, samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila? samantalang ang kasintahang-lalake ay sumasa kanila, ay hindi sila mangakapagaayuno.
20 Datapuwa't darating ang mga araw, na aalisin sa kanila ang kasintahang-lalake, at kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa araw na yaon.
21 Walang taong nagtatagpi ng matibay na kayo sa damit na luma: sa ibang paraan ang itinagpi ay binabatak ang tinagpian, sa makatuwid baga'y ang bago sa luma, at lalong lumalala ang punit.
22 At walang taong nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma; sa ibang paraan ay pinupunit ng alak ang mga balat at nabububo ang alak at nasisira ang mga balat: kundi ang alak na bago ay isinisilid sa mga bagong balat.
23 At nangyari, (H)na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath; at ang mga alagad niya, samantalang nagsisilakad, ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay.
24 At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo, Narito, bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid?
25 At sinabi niya sa kanila, (I)Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya'y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?
26 Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si (J)Abiatar, at kumain siya ng tinapay na itinalaga, na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang, at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan?
27 At sinabi niya sa kanila, Ginawa (K)ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath:
28 Kaya't ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.
馬可福音 2
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
治好癱子
2 幾天後,耶穌回到迦百農。祂在家的消息一傳開, 2 立刻有許多人蜂擁而來,連門外也擠滿了人。耶穌正給他們講道的時候, 3 有四個人抬著一個癱瘓的人來見祂。 4 但因為人太多,他們無法抬到耶穌跟前,就拆掉屋頂,對準耶穌所坐的地方,將癱子連墊子一起縋下去。 5 耶穌看見他們的信心,就對癱子說:「孩子,你的罪被赦免了!」 6 有幾個律法教師坐在那裡,心裡議論說: 7 「這是什麼話?簡直是褻瀆上帝!除了上帝之外,誰能赦罪呢?」
8 耶穌立刻看透了他們的心思,就說:「你們為什麼這樣心裡議論呢? 9 對癱子說『你的罪得到赦免了』容易呢,還是說『起來,收拾你的墊子走吧』容易呢? 10 但我要讓你們知道人子在世上有赦罪的權柄。」於是祂對癱子說: 11 「我吩咐你起來收拾你的墊子回家去吧。」 12 那人就站起來,馬上收拾好墊子,當著眾人的面走了出去。眾人都十分驚奇,讚美上帝說:「我們從來沒見過這樣的事!」
呼召利未
13 耶穌又出去到了湖邊。有一大群人圍攏過來,祂就教導他們。 14 耶穌往前走的時候,看見亞勒腓的兒子利未坐在收稅站裡工作,就對他說:「跟從我!」利未就起來跟從了耶穌。
15 後來,利未請耶穌和祂的門徒到家裡坐席,同席的還有很多已經跟隨耶穌的稅吏和罪人。 16 有幾位法利賽人的律法教師看見耶穌跟稅吏和罪人同席,就問耶穌的門徒:「祂怎麼會跟這些稅吏和罪人一起吃飯呢?」
17 耶穌聽見了,就說:「健康的人不需要醫生,有病的人才需要。我來不是要召義人,乃是要召罪人。」
論禁食
18 約翰的門徒和法利賽人都在禁食的時候,有人來問耶穌:「約翰的門徒和法利賽人的門徒禁食,為什麼你的門徒不禁食呢?」
19 耶穌對他們說:「新郎還在的時候,賓客怎能在婚宴中禁食呢?新郎還跟他們在一起的時候,他們不該禁食。 20 但有一天新郎將被帶走,那時他們就要禁食了。
21 「沒有人會用新布來補舊衣服,因為新布會把舊衣服扯破,破洞會更大; 22 也沒有人把新酒倒進舊皮囊裡,否則新酒會漲破舊皮囊,酒和皮囊都毀了。所以,新酒一定要裝在新皮囊裡。」
安息日的主
23 一個安息日,耶穌和門徒走過一片麥田,門徒一邊走一邊搓麥穗吃。 24 法利賽人批評耶穌說:「看看你的門徒,他們為什麼做安息日不准做的事?」
25 耶穌回答說:「大衛和他的部下在饑餓、缺糧時所做的事,你們沒有讀過嗎? 26 在亞比亞他做大祭司時,他進入上帝的殿吃了獻給上帝的供餅,還給他的部下吃。這餅只有祭司才可以吃。 27 安息日是為人設立的,人不是為安息日設立的。 28 所以,人子也是安息日的主。」
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
