Add parallel Print Page Options

24 Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kahirapang iyon,

ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.

25 Ang mga bituin ng langit ay malalaglag. Ang mga kapang­yarihan na nasa mga langit ay mayayanig.

26 Sa oras ding iyon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating, na nasa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 Sa oras ding iyon, susuguin niya ang mga anghel. Titipunin niya ang kaniyang mga pinili mula sa apat na sulok ng daigdig. Titipunin niya sila mula sa dulo ng daigdig hanggang sa dulo ng langit.

28 Pag-aralan ninyo ang talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay nananariwa na at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-init. 29 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyong nangyayari ang mgabagay na ito, alam ninyo na malapit na, nasa mga pintuan na. 30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. 31 Ang langit at ang lupa ay lilipas subalit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.

Walang Nakakaalam sa Araw at Oras

32 Ngunit patungkol sa araw o oras na iyon walang nakakaalam, kahit na ang mga anghel sa langit, kahit na ang Anak kundi ang Ama lamang ang nakakaalam.

33 Kayo ay mag-ingat, magpuyat at manalangin, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang panahon. 34 Ito ay tulad ng isang taong naglakbay at lumabas sa lupain. Iniwan niya ang kaniyang bahay at ibinigay ang kapamahalaan sa kaniyang mga alipin. Binigyan niya ang bawat isa ng sariling gawain. Inutusan din niya ang tanod-pinto na magbantay.

35 Magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay. Maaari siyang dumating sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga. 36 Maaaring sa bigla niyang pagdating ay masumpungan kang natutulog. 37 Ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat. Magbantay kayo.

Read full chapter