Add parallel Print Page Options

11 As they neared Bethphage and Bethany on the outskirts of Jerusalem and came to the Mount of Olives, Jesus sent two of his disciples on ahead.

“Go into that village over there,” he told them, “and just as you enter you will see a colt tied up that has never been ridden. Untie him and bring him here. And if anyone asks you what you are doing, just say, ‘Our Master needs him and will return him soon.’”

4-5 Off went the two men and found the colt standing in the street, tied outside a house. As they were untying it, some who were standing there demanded, “What are you doing, untying that colt?”

So they said what Jesus had told them to, and then the men agreed.

So the colt was brought to Jesus, and the disciples threw their cloaks across its back for him to ride on. Then many in the crowd spread out their coats along the road before him, while others threw down leafy branches from the fields.

He was in the center of the procession with crowds ahead and behind, and all of them shouting, “Hail to the King!” “Praise God for him who comes in the name of the Lord!” . . . 10 “Praise God for the return of our father David’s kingdom. . . . ” “Hail to the King of the universe!”

11 And so he entered Jerusalem and went into the Temple. He looked around carefully at everything and then left—for now it was late in the afternoon—and went out to Bethany with the twelve disciples.

12 The next morning as they left Bethany, he felt hungry. 13 A little way off he noticed a fig tree in full leaf, so he went over to see if he could find any figs on it. But no, there were only leaves, for it was too early in the season for fruit.

14 Then Jesus said to the tree, “You shall never bear fruit again!” And the disciples heard him say it.

15 When they arrived back in Jerusalem, he went to the Temple and began to drive out the merchants and their customers, and knocked over the tables of the money changers and the stalls of those selling doves, 16 and stopped everyone from bringing in loads of merchandise.

17 He told them, “It is written in the Scriptures, ‘My Temple is to be a place of prayer for all nations,’ but you have turned it into a den of robbers.”

18 When the chief priests and other Jewish leaders heard what he had done, they began planning how best to get rid of him. Their problem was their fear of riots because the people were so enthusiastic about Jesus’ teaching.

19 That evening as usual they left the city.

20 Next morning, as the disciples passed the fig tree he had cursed, they saw that it was withered from the roots! 21 Then Peter remembered what Jesus had said to the tree on the previous day and exclaimed, “Look, Teacher! The fig tree you cursed has withered!”

22-23 In reply Jesus said to the disciples, “If you only have faith in God—this is the absolute truth—you can say to this Mount of Olives, ‘Rise up and fall into the Mediterranean,’ and your command will be obeyed. All that’s required is that you really believe and have no doubt! 24 Listen to me! You can pray for anything, and if you believe, you have it; it’s yours! 25 But when you are praying, first forgive anyone you are holding a grudge against, so that your Father in heaven will forgive you your sins too.”

26-28 [a]By this time they had arrived in Jerusalem again, and as he was walking through the Temple area, the chief priests and other Jewish leaders came up to him demanding, “What’s going on here? Who gave you the authority to drive out the merchants?”

29 Jesus replied, “I’ll tell you if you answer one question! 30 What about John the Baptist? Was he sent by God, or not? Answer me!”

31 They talked it over among themselves. “If we reply that God sent him, then he will say, ‘All right, why didn’t you accept him?’ 32 But if we say God didn’t send him, then the people will start a riot.” (For the people all believed strongly that John was a prophet.)

33 So they said, “We can’t answer. We don’t know.”

To which Jesus replied, “Then I won’t answer your question either!”

Footnotes

  1. Mark 11:26 Many ancient authorities add v. 26: “But if you do not forgive, neither will your Father who is in heaven forgive your trespasses.” All include this in Matthew 6:15. other Jewish leaders, literally, “scribes and elders.” Also in 12:12.

Pumasok si Jesus sa Jerusalem na Gaya ng Hari

11 Nang papalapit na sila sa Jerusalem, sa Betfage at Betania, patungong bundok ng Olibo, sinugo ni Jesus ang dalawa sa kaniyang mga alagad.

Sinabi niya sa kanila: Pumaroon kayo sa nayong nasa unahan ninyo. Pagkapasok na pagkapasok ninyo roon, may masusumpungan kayong nakataling batang asno na hindi pa nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. Kapag may nagsabi sa inyo: Bakit ninyo ginagawa ito? Sabihin ninyo: Kailangan ito ng Panginoon at agad na ipapadala iyon dito.

Sila ay pumaroon, at nasumpungan ang bisirong nakatali sa labas ng pintuan sa tabi ng daan at kinalagan nila ito. Ilan sa mga nakatayo roon ay nagsabi sa kanila: Ano ang ginagawa ninyo na kinakalagan ninyo ang batang asno? Sinabi ng mga alagad sa kanila ang ayon sa utos ni Jesus at kanilang pinayagan sila. Dinala nila kay Jesus ang batang asno. Isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus. Marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daanan. Ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punong-kahoy at inilatag sa daan. Ang mga nauuna at mga sumusunod ay nagsisisigaw na sinasabing:

Hosana![a]Papuri sa kaniya na pumaparito sa pangalan ng Panginoon!

10 Papuri sa parating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!

11 Pumasok si Jesus sa Jerusalem, at sa loob ng templo. Nang tumingin siya sa palibot sa lahat ng mga bagay, yamang dumidilim na, lumabas siya patungong Betania kasama ng labindalawang alagad.

Nilinis ni Jesus ang Templo

12 Kinabukasan, pagkagaling sa Betania, nagutom siya.

13 Sa di-kalayuan ay natanaw niya ang isang puno ng igos na may mga dahon. Nilapitan niya ito sa pagbabakasakaling makasumpong doon ng anuman. Nang malapitan niya ito, wala siyang nasumpungan kundi mga dahon lang, sapagkat hindi panahon ng pagbunga ng mga igos. 14 Nagsalita si Jesus at sinabi sa puno: Wala nang sinumang makakakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailanman. Narinig ito ng kaniyang mga alagad.

15 Dumating sila sa Jerusalem. Pagpasok ni Jesus sa loob ng templo, itinaboy niya ang mga nagtitinda at ang mga bumibili sa templo. Ang mga mesa ng mga mamamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati ay itinaob niya. 16 Hindi niya pinayagang ang sinuman ay dumaan na may dalang sisidlan sa loob ng templo. 17 Nangaral siyang nagsabi sa kanila: Hindi ba nakasulat:

Ang bahay ko ay tatawagin ng lahat ng mga bansa na bahay-dalanginan. Subalit ginawa ninyo itong yungib ng mga tulisan.

18 Narinig ito ng mga guro ng kautusan at mga pinunong-saserdote. Hinanapan nila ng paraan kung papaano nila siya papatayin. Ito ay sapagkat takot sila kay Jesus dahil namangha ang lahat ng mga tao sa kaniyang mga turo.

19 Nang gumabi na ay lumabas siya sa lungsod.

Natuyo ang Puno ng Igos

20 Kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila ang puno ng igos na natuyo simula sa mga ugat.

21 Nang maala-ala ito ni Pedro, sinabi niya: Guro, tingnan mo. Ang puno ng igos na iyong isinumpa ay tuyo na.

22 Sumagot si Jesus sa kanila: Manampalataya kayo sa Diyos. 23 Katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang sinumang magsabi sa bundok na ito: Umalis ka at maihagis sa dagat, makakamtam niya iyon. Ito ay kung hindi siya mag-alinlangan sa kaniyang puso sa halip ay manalig na matupad ang kaniyang sinabi. 24 Kaya nga, sinasabi ko sa inyo: Anumang mga bagay ang hingin ninyo sa pananalangin, manalig kayo na ito ay inyong nakamtam at ito ay mapapasainyo. 25 Kapag kayo ay nakatayo at nananalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman, patawarin ninyo siya. Ito ay upang patawarin din naman kayo sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit. 26 Kung hindi kayo magpatawad, hindi rin kayo patatawarin sa inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.

Tinanong Nila si Jesus sa Kaniyang Kapangyarihan

27 Nagtungo silang muli sa Jerusalem. Habang naglalakad si Jesus sa templo, lumapit sa kaniya ang mga pinunong-saserdote at ang mga guro ng kautusan at ang mga matanda.

28 Sinabi nila sa kaniya: Anong kapamahalaan mayroon ka upang gawin mo ang mga ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng kapamahalaang gawin ang mga bagay na ito?

29 Sinagot sila ni Jesus na sinabi sa kanila: Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. Kung sasagutin ninyo ako, sasabihin ko kung anong kapamahalaan mayroon ako upang gawin ang mga bagay na ito. 30 Ang bawtismo ni Juan, ito ba ay mula sa langit o mula sa mga tao? Sagutin ninyo ako.

31 Nangatwiranan sila sa isa’t isa na sinasabi: Kapag sinabi nating mula sa langit, sasabihin niya: Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan? 32 Ngunit kapag sinabi natin: Mula sa tao… At sila ay natakot sa mga tao sapagkat kinikilala nila si Juan bilang isang tunay na propeta.

33 Sumagot si Jesus sa kanila, na sinasabi: Hindi namin alam.

Tumugon si Jesus sa kanila, na sinasabi: Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong kapamahalaan ginagawa ko ang mga bagay na ito.

Footnotes

  1. Marcos 11:9 Ito ay salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay iligtas mo kami (Ps.118:25).