Add parallel Print Page Options

47 At(A) kung ang isang mata mo ay nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito! Mabuti pang pumasok ka sa kaharian ng Diyos na iisa lang ang mata, kaysa may dalawang mata ngunit itatapon ka naman sa impiyerno. 48 Doo'y(B) hindi namamatay ang mga uod na kumakain sa kanila, at ang apoy ay hindi napapatay.

49 “Sapagkat ang bawat isa'y dadalisayin sa apoy [at ang bawat handog sa Diyos ay lalagyan ng asin.][a]

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 9:49 at ang bawat handog...ng asin: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.