Add parallel Print Page Options

Sinabi pa niya sa kanila: Napakahusay ninyong magpawalang-bisa sa utos ng Diyos, upang masunod ninyo ang inyong mga kaugalian. 10 Sinabi nga ni Moises: Igalang mo ang iyong ama at ina. Sinabi rin niya: Ang magsalita ng masama sa kaniyang ama o ina ay dapat siyang mamatay. 11 Subalit sinasabi ninyo: Kapag ang isang tao ay magsabi sa kaniyang ama at ina: Ang aking kaloob na salapi na kapaki-pakinabang sa inyo ay Corban. Ang ibig sabihin nito ay inihandog sa Diyos.

Read full chapter