Add parallel Print Page Options

Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret(A)

Umalis doon si Jesus at umuwi siya sa sariling bayan kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagturo sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kanya at sa kanilang pagkamangha'y nagtanungan sila, “Saan niya natutunan ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakakagawa ng mga himala? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria,[a] at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” Kaya hindi sila naniwala sa kanya.

Dahil(B) dito, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at ng kanyang pamilya.” Hindi siya nakagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. Namangha siya dahil ayaw nilang maniwala sa kanya.

Isinugo ni Jesus ang Labindalawa(C)

Nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid at tinuruan niya ang mga tagaroon. Tinawag niya ang Labindalawa at isinugo sila nang dala-dalawa. Sila ay binigyan niya ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu, at(D) pinagbilinang, “Sa inyong paglalakbay, huwag kayong magdala ng anuman, maliban sa tungkod. Huwag kayong magdala ng pagkain, ng balutan o ng pera. Magsuot kayo ng sandalyas ngunit huwag kayong magdala ng bihisan.”

10 Sinabi rin niya sa kanila, “Kapag kayo ay pinatuloy sa isang bahay, manatili kayo roon hanggang sa inyong pag-alis sa bayang iyon. 11 Kung(E) ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa, bilang babala sa mga tagaroon.”

12 Humayo nga ang Labindalawa at nangaral na ang mga tao ay dapat magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. 13 Pinalayas(F) nila ang mga demonyo mula sa mga sinasapian ng mga ito; pinahiran nila ng langis ang maraming maysakit at pinagaling ang mga ito.

Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo(G)

14 Nakarating(H) kay Haring Herodes[b] ang balita tungkol kay Jesus, sapagkat nakikilala na siya ng maraming tao. May mga nag-aakala na si Juan na Tagapagbautismo ay muling nabuhay kaya si Jesus ay nakakagawa ng mga himala. 15 Ngunit mayroon ding nagsasabi na siya si propeta Elias. At may iba pang nagsasabing, “Siya'y isang propeta, katulad ng mga propeta noong unang panahon.”

16 Nang ito'y marinig ni Herodes, sinabi niya, “Siya ay si Juan na aking pinapugutan ng ulo. Muli siyang nabuhay.” 17 Si(I) Herodes mismo ang nagpahuli at nagpabilanggo kay Juan dahil sa kagustuhan ni Herodias. (Ang babaing ito ay pinakasalan at kinakasama ni Herodes bagama't ito'y asawa ng kapatid niyang si Felipe.) 18 Sapagkat laging sinasabi ni Juan kay Herodes, “Labag sa batas na kasamahin mo ang asawa ng inyong kapatid!” 19 At dahil dito, si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan at ibig niya itong ipapatay. Ngunit hindi niya ito magawâ 20 sapagkat alam niyang natatakot si Herodes kay Juan. Itinuturing ng hari na si Juan ay taong matuwid at banal, at sinisikap niyang huwag itong mapahamak. Gustung-gusto niyang makinig kay Juan kahit labis siyang nababagabag sa mga sinasabi nito.[c]

21 Subalit nagkaroon din ng pagkakataon si Herodias na ipapatay si Juan nang sumapit ang kaarawan ni Herodes. Si Herodes ay nagpahanda ng malaking salu-salo at inanyayahan niya ang kanyang mga opisyal, mga pinuno ng hukbo, at ang mga pangunahing mamamayan ng Galilea. 22 Nang pumasok ang anak na babae ni Herodias[d] at nagsayaw, labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya't sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo ang anumang nais mo at ibibigay ko sa iyo.” 23 Naipangako rin niya sa dalaga na ibibigay niya kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihingin.

24 Kaya't lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano po ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo,” sagot ng ina.

25 Mabilis na nagbalik ang dalaga sa kinaroroonan ng hari at sinabi niya, “Ang nais ko'y ibigay ninyo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo, na nakalagay sa isang pinggan.”

26 Labis na nalungkot ang hari, subalit dahil sa kanyang sumpang narinig ng mga panauhin, hindi niya matanggihan ang dalaga. 27 Kaagad niyang iniutos sa isang kawal na dalhin sa kanya ang ulo ni Juan. Sumunod nga ang kawal at pinugutan niya ng ulo si Juan sa loob ng bilangguan. 28 Inilagay niya ang ulo sa isang pinggan at ibinigay sa dalaga. Ibinigay naman iyon ng dalaga sa kanyang ina.

29 Nang mabalitaan ito ng mga alagad ni Juan, kinuha nila ang kanyang bangkay at inilibing.

Ang Pagpapakain sa Limanlibo(J)

30 Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. 31 Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” 32 Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang liblib na lugar.

33 Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakaalam kung saan sila pupunta. Kaya't ang mga tao mula sa lahat ng bayan ay patakbong pumunta sa lugar na iyon at naunahan pa nila sina Jesus. 34 Pagbaba(K) ni Jesus sa bangka, nakita niya ang napakaraming tao. Nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol, kaya't sila'y tinuruan niya ng maraming bagay. 35 Nang dapit-hapon na, lumapit sa kanya ang mga alagad at sinabi, “Liblib ang pook na ito at malapit nang lumubog ang araw. 36 Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain.”

37 Ngunit sinabi sa kanila ni Jesus, “Bigyan ninyo sila ng makakain.”

Sumagot ang mga alagad, “Nais po ba ninyong bumili kami ng pagkain sa halagang dalawandaang salaping pilak?”[e]

38 “Ilan ang dala ninyong tinapay? Tingnan nga ninyo,” utos niya.

Pagkatapos tingnan ay kanilang sinabi, “Lima po, at dalawang isda.”

39 Iniutos ni Jesus sa mga alagad na paupuin nang pangkat-pangkat ang mga tao sa damuhan. 40 Kaya't naupo ang mga tao nang tig-iisang daan at tiglilimampu bawat grupo. 41 Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. Hinati-hati rin niya ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. 42 Ang lahat ay nakakain at nabusog, 43 at nang tipunin ng mga alagad ang lumabis na tinapay at isda, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing. 44 May limanlibong lalaki ang kumain [ng tinapay].[f]

Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig(L)

45 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang kanyang mga alagad. Sila ay pinauna niya sa Bethsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, habang pinapauwi naman niya ang mga tao. 46 Matapos magpaalam, umakyat siya sa bundok upang manalangin.

47 Pagsapit ng gabi, nasa laot na ang bangka, habang si Jesus ay nag-iisa sa pampang. 48 Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad dahil pasalungat sila sa ihip ng hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Nang malalampasan na niya ang mga alagad,[g] 49 nakita ng mga ito na siya ay lumalakad sa ibabaw ng tubig. Akala nila siya ay isang multo kaya sila ay nagsisigaw. 50 Takot na takot silang lahat, ngunit agad na sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” 51 Sumakay siya sa bangka at pumayapa ang hangin. Sila'y lubhang namangha 52 sapagkat hindi pa nila nauunawaan ang tungkol sa pagpapakain ng tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip.

Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret(M)

53 Tumawid sila sa ibayo at pagdating sa Genesaret ay dumaong sila sa pampang. 54 Pagbabang-pagbaba nila, nakilala agad siya ng mga tao. 55 Kaya't nagmadaling nagpuntahan ang mga tao sa mga karatig-pook. Saanman nila mabalitaang naroon si Jesus, dinadala nila ang mga maysakit na nakaratay sa higaan. 56 At saan man siya pumunta, sa nayon, sa lungsod, o sa kabukiran, agad na inilalapit sa kanya ang mga may karamdaman at ipinapakiusap sa kanya na mahawakan man lamang nila ang laylayan ng kanyang damit. At ang lahat ng makahawak dito ay gumagaling.

Footnotes

  1. 3 ang karpinterong anak ni Maria: Sa ibang manuskrito'y ang anak ng karpintero at ni Maria .
  2. 14 HARING HERODES: Ang haring ito ay si Herodes Antipas na gobernador ng Galilea, at anak ni Herodes na Dakila.
  3. 20 kahit labis…sinasabi nito: Sa ibang manuskrito'y kahit na taliwas ang mga ginagawa niya sa sinasabi nito; at sa iba pang mga manuskrito'y kaya't marami siyang ginagawa ayon sa sinasabi nito .
  4. 22 anak na babae ni Herodias: Sa ibang manuskrito'y anak niyang si Herodias .
  5. 37 SALAPING PILAK: Sa Griego ay dinaryo na katumbas ng isang araw na sahod ng isang manggagawa.
  6. 44 ng tinapay: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
  7. 48 Nang malalampasan na niya ang mga alagad: o kaya'y Nang sasama na siya sa mga alagad .

耶稣回到家乡

耶稣离开那里,回到家乡,门徒们跟随他去了。 安息日到了,耶稣开始在犹太会堂里讲道。许多人听了,非常惊讶,他们说∶“这个人是从哪知道这些事情的?谁赐给了他如此的智慧?他从哪里获得行奇迹 [a]的力量? 他不就是个木匠吗?难道他不是马利亚的儿子吗?难道他不是雅各、约瑟、犹大和西门的兄弟吗?他的姐妹不是和我们一起在这里吗?”他们都难以接受耶稣。

耶稣对他们说∶“先知 [b]无论在哪里都受到尊敬,唯独在自己的故乡,他的乡亲和在自己家里得不到尊敬。” 在家乡,耶稣除了把手放在一些病人身上治愈他们外,没能行其它奇迹。 乡亲们没有信仰,让耶稣很吃惊,然后耶稣便到当地的其它村庄去传教。

耶稣派遣使徒传教

耶稣召集起十二使徒,派他们每两人结伴出去,并赐给他们制服邪灵的权力。 耶稣嘱咐门徒们:“旅行时,除了一根手杖之外,不要带任何东西,不要带面包、背包和钱。 你们可以穿鞋,但不要带多余的衣服。 10 你们无论走进哪一家,就在那一家住下,一直住到你们离开那里为止。 11 如果有哪个城镇不欢迎你们,或不听你们的,就离开那里,并且抖掉你们脚上的尘土 [c],做为对他们的警告。”

12 门徒们出去了,向人们传道说他们应该悔改。 13 他们赶走了许多鬼,给许多病人涂橄榄油 [d],治好了他们的病。

希律认为耶稣是施洗者约翰

14 耶稣的名声传遍了四方,就连希律 [e]王也听说了。有些人说∶“他是施洗者约翰,他肯定是死而复活了,所以他才能行这些奇迹。”

15 也有些人说∶“他是以利亚。”

其他一些人则说∶“他是先知, 他就像很久以前的一位先知。”

16 希律王听说了有关耶稣的事,便说∶“被我砍头的那个人约翰如今从死里复活了。”

施洗者约翰之死

17 以前,希律王亲自下令逮捕约翰并把他投进了监狱。他这么做是为了取悦妻子希罗底。她曾是希律的兄弟腓力的妻子,可是希律娶了这个女子。 18 约翰一直就告诉希律∶“你娶兄弟的妻子是不对的。” 19 希罗底因此忌恨约翰,一直想杀害他,只是无法杀他。 20 希律害怕杀害约翰,他知道约翰是个正直的圣人,所以把约翰保护起来。希律喜欢听约翰传道,但是约翰的传道令希律感到困惑。

21 然后,希罗底导致约翰死亡的机会来了。希律过生日那天,宴请文武群臣和加利利的显贵人物。 22 席间希罗底的女儿进来献舞,希律和宾客们都很开心。

于是希律对女孩说∶“你想要什么,我都给你。” 23 他对女孩发誓说∶“你要什么我都给你,哪怕是半壁江山都行!”

24 女孩出去问她母亲∶“我该要什么呢?”

她妈妈说∶“你去要施洗礼者约翰的人头。”

25 女孩急忙跑回希律身边,说∶“我要您立刻就把施洗者约翰的人头盛在盘子里端给我。”

26 希律王很难过,但是因为他当着客人的面对她发过誓,所以他不打算拒绝她。 27 希律立刻命令警卫去取约翰的人头。警卫到监狱里砍下约翰的头, 28 放在盘子里端给了女孩,女孩又把盘子端给母亲。 29 约翰的门徒们闻讯而来,为约翰收尸下葬。

耶稣让五千多人吃饱饭

30 耶稣派出去传道的使徒们回来了。他们聚在耶稣身边,向他讲述了自己所做和所教的一切。 31 因为许多人来来往往,让他们连吃饭的时间都没有。耶稣便对他的门徒们说∶“你们单独跟我来,咱们到一个安静的地方休息一下。”

32 所以,他们就上船到一个荒无人烟的地方去了。 33 但是很多人看见他们离开,并认出了他们。于是人们便急忙从各个城镇步行赶到那里,并且比他们先到了那里。 34 耶稣下船上岸后,看到一大群人,心中充满了怜悯,因为他们就像没有牧羊人的羊群,于是,他开始教导给他们很多道理。

35 天色已晚,门徒们来到他身边,对他说∶“这个地方很偏僻,而且天色已晚。 36 打发这些人走吧,以便他们能到附近的村村寨寨去买些东西吃。”

37 但是耶稣对他们说∶“你们给他们一些吃的东西。”

他们对耶稣说∶“要我们花一个月的工钱去买面包好给他们吃吗?”

38 耶稣说∶“你们去看看还有多少面包。”

门徒们数过之后,回来说∶“我们有五块面包和两条鱼。”

39 然后耶稣吩咐他们把人们分成一组、一组地坐在草地上, 40 于是人们按五十人或一百人一组地坐下。 41 耶稣拿起五块面包和两条鱼,举目望天,感谢上帝赐给的食物,然后他掰开面包,交给门徒,让他们分给大家。耶稣又把两条鱼分给了人们。

42 所有的人都吃饱了。 43 然后,他们把剩下的零碎面包和鱼收拾起来足足装满了十二筐。 44 在那里吃饭的人大约有五千个男人。

在水面上行走

45 然后,耶稣立刻叫门徒们上船,先到湖对岸的伯赛大去,他随后会过去,同时他解散了众人。 46 辞别了他们后,耶稣来到山上祈祷。

47 那天晚上,船已经驶到湖心,耶稣仍然独自呆在岸上。 48 他看见门徒们逆风划船非常吃力。大约在凌晨三到六点钟之间,耶稣向门徒们走来。他在水面上走来,几乎都要超过他们了。 49 但是当他们看见耶稣在水面上行走时,以为是鬼魂,都大叫起来。 50 他们都看见了他,吓得毛骨悚然,但是,耶稣对他们说∶“别担心!是我!不要害怕。” 51 然后耶稣上了他们的船,这时风也停了。门徒们都惊呆了, 52 因为他们连面包的事还没弄明白呢。他们还没有开窍。

耶稣治愈很多病人

53 他们渡过了湖,在革尼撒勒上了岸,拴好船。 54 一下船,人们就认出了耶稣。 55 整个地区的人奔走相告,无论耶稣走到哪里,当人们得知后,便用垫子抬着病人闻讯而来。 56 凡耶稣去的地方,不论是乡村城镇还是农场,人们把病人带到集市上,请求耶稣允许病人只摸一摸他的衣服。凡是摸过他衣服的病人都痊愈了。

Footnotes

  1. 馬 可 福 音 6:2 奇迹: 凭上帝的力量所行的惊人的事迹。
  2. 馬 可 福 音 6:4 先知: 上帝的代言人,常预测未来要发生的事。
  3. 馬 可 福 音 6:11 抖掉你们鞋上的尘土: 警告,表示不再对这些人讲话。
  4. 馬 可 福 音 6:13 橄榄油: 被用作医药。
  5. 馬 可 福 音 6:14 希律: 希律安提波斯是加利利和皮利的统治者。希律的儿子。