Add parallel Print Page Options

22 Ang anak na babae ni Herodias ay pumasok at sumayaw. Nasiyahan si Herodes at ang mga kasama niya sa kainan.

Dahil dito sinabi ng hari sa dalagita: Hingin mo ang anumang ibigin mo at ibibigay ko sa iyo.

23 Nanumpa siya sa dalagita: Ibibigay ko ang anumang iyong hingin kahit na kalahati ng aking paghahari.

24 Lumabas ang dalagita at tinanong ang kaniyang ina. Ano ang hihingin ko?

Sinabi ng ina: Ang ulo ni Juan na tagapagbawtismo.

Read full chapter