Font Size
Marcos 6:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 6:22-24
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
22 Nang pumasok ang anak na babae ni Herodias[a] at nagsayaw, labis na nasiyahan si Herodes at ang mga panauhin, kaya't sinabi ng hari sa dalaga, “Hingin mo ang anumang nais mo at ibibigay ko sa iyo.” 23 Naipangako rin niya sa dalaga na ibibigay niya kahit ang kalahati ng kanyang kaharian kung ito ang hihingin.
24 Kaya't lumabas ang dalaga at tinanong ang kanyang ina, “Ano po ang hihingin ko?” “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo,” sagot ng ina.
Read full chapterFootnotes
- 22 anak na babae ni Herodias: Sa ibang manuskrito'y anak niyang si Herodias .