Add parallel Print Page Options

19 Kaya si Herodias ay nagkimkim ng galit kay Juan at hinangad niyang ipapatay ito ngunit hindi niya ito magawa. 20 Wala siyang pagkakataong ipapatay si Juan sapagkat natatakot si Herodes kay Juan. Talastas niyang si Juan ay matuwid at banal na tao, kaya ipinagsanggalang niya siya. Sa pakikinig ni Herodes kay Juan, maraming bagay siyang ginawa. Gayunman, natutuwa siyang makinig sa kaniya.

21 At dumating ang pagkakataon ni Herodias. Kaarawan noon ni Herodes kaya ipinaghanda niya ng isang piging ang kaniyang mga matataas na opisyal, pinuno ng hukbo at mga pangunahing mamamayan ng Galilea.

Read full chapter