Add parallel Print Page Options

16 Subalit nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya: Ito nga si Juan na siyang pinapugutan ko na ng ulo. Bumangon siya mula sa mga patay.

17 Sinabi ito ni Herodes dahil siya ang nagsugo noon ng mga tao upang dakpin at itanikala sa bilangguan si Juan. Ito ay sapagkat kinuha niya si Herodias para maging kaniyang asawa. Si Herodias ay asawa ni Felipe na nakakabatang kapatid ni Herodes. 18 Dahil sinabi ni Juan kay Herodes: Hindi matuwid na kunin mo ang asawa ng iyong kapatid.

Read full chapter