Font Size
Marcos 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 3:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
12 Ngunit mahigpit na inutusan ni Jesus ang masasamang espiritu na huwag ipagsabi kung sino siya.
Ang Pagpili ni Jesus sa Labindalawang Apostol(A)
13 Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok at tinawag ang mga taong pinili niya, at lumapit sila sa kanya. 14 Pumili siya ng labindalawa [na tinawag niyang mga apostol].[a] Hinirang niya ang mga ito upang makasama niya at isugo upang mangaral.
Read full chapterFootnotes
- 14 na tinawag niyang mga apostol: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.