Add parallel Print Page Options

Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus(A)

16 Nang makaraan ang Sabbath, sina Maria Magdalena, Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay bumili ng mga pabango upang sila'y pumunta roon at siya'y pahiran.

Pagka-umaga nang unang araw ng linggo, pagkasikat ng araw, pumunta sila sa libingan.

Kanilang sinabi sa isa't isa, “Sino kaya ang magpapagulong ng bato para sa atin mula sa pasukan ng libingan?”

Sa pagtanaw nila ay nakita nilang naigulong na ang bato na lubhang napakalaki.

At pagpasok nila sa libingan, kanilang nakita ang isang binata na nakabihis ng isang damit na maputi, nakaupo sa gawing kanan at sila'y nagtaka.

Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong magtaka; hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Siya'y muling binuhay. Wala siya rito. Tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kanya!

Subalit(B) humayo kayo, sabihin ninyo sa kanyang mga alagad at kay Pedro na siya'y mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya makikita, ayon sa sinabi niya sa inyo.”

At sila'y nagsilabas at nagsitakas mula sa libingan, sapagkat sila'y sinidlan ng sindak at pagkamangha, at wala silang sinabi kaninuman sapagkat sila'y natakot.

ANG MAIKLING PAGTATAPOS NI MARCOS

[At ang lahat ng mga iniutos sa kanila ay sinabi ng maiksi sa mga nasa palibot ni Pedro. At pagkatapos si Jesus mismo ay nagsugo sa pamamagitan nila, mula sa silangan hanggang kanluran, ang banal at walang hanggang proklamasyon ng walang katapusang kaligtasan.]

ANG MAHABANG PAGTATAPOS NI MARCOS

Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena(C)

[Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng linggo ay una siyang nagpakita kay Maria Magdalena, na mula sa kanya'y pitong demonyo ang pinalayas niya.

10 Siya'y lumabas at ibinalita sa mga naging kasama ni Jesus, samantalang sila'y nagluluksa at tumatangis.

11 Ngunit nang kanilang mabalitaan na siya'y buháy at nakita ni Magdalena ay ayaw nilang maniwala.

Nagpakita si Jesus sa Dalawang Alagad(D)

12 Pagkatapos ng mga ito ay nagpakita siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila noong sila'y naglalakad patungo sa bukid.

13 At sila'y bumalik at ipinagbigay-alam ito sa mga iba ngunit hindi rin sila naniwala.

Pinagbilinan ni Jesus ang mga Alagad(E)

14 At pagkatapos siya'y nagpakita sa labing-isa samantalang sila'y nakaupo sa hapag-kainan; sila'y kanyang pinagsabihan dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagkat hindi nila pinaniwalaan ang mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.

15 At(F) sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo[a] sa lahat ng nilikha.

16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

17 At ang mga tandang ito ay tataglayin ng mga nananampalataya: sa paggamit ng aking pangalan ay magpapalayas sila ng mga demonyo, magsasalita sila ng mga bagong wika;

18 sila'y hahawak ng mga ahas, at kung makainom sila ng bagay na nakamamatay, hindi ito makakasama sa kanila, ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga maysakit, at sila'y gagaling.”

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit(G)

19 Kaya't(H) ang Panginoong Jesus nga, pagkatapos na siya'y magsalita sa kanila ay iniakyat sa langit at lumuklok sa kanan ng Diyos.

20 At humayo sila at nangaral sa lahat ng dako, habang gumagawang kasama nila ang Panginoon at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip nito.][b]

Footnotes

  1. Marcos 16:15 o magandang balita .
  2. Marcos 16:20 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen .

Jesus Is Alive

(Matthew 28.1-8; Luke 24.1-12; John 20.1-10)

16 After the Sabbath, Mary Magdalene, Salome, and Mary the mother of James bought some spices to put on Jesus' body. Very early on Sunday morning, just as the sun was coming up, they went to the tomb. On their way, they were asking one another, “Who will roll the stone away from the entrance for us?” But when they looked, they saw that the stone had already been rolled away. And it was a huge stone!

The women went into the tomb, and on the right side they saw a young man in a white robe sitting there. They were alarmed.

The man said, “Don't be alarmed! You are looking for Jesus from Nazareth, who was nailed to a cross. God has raised him to life, and he isn't here. You can see the place where they put his body. (A) Now go and tell his disciples, and especially Peter, that he will go ahead of you to Galilee. You will see him there, just as he told you.”

When the women ran from the tomb, they were confused and shaking all over. They were too afraid to tell anyone what had happened.

ONE OLD ENDING TO MARK'S GOSPEL[a]

Jesus Appears to Mary Magdalene

(Matthew 28.9,10; John 20.11-18)

Very early on the first day of the week, after Jesus had risen to life, he appeared to Mary Magdalene. Earlier he had forced seven demons out of her. 10 She left and told his friends, who were crying and mourning. 11 Even though they heard that Jesus was alive and that Mary had seen him, they still would not believe it.

Jesus Appears to Two Disciples

(Luke 24.13-35)

12 Later, Jesus appeared in another form to two disciples, as they were on their way out of the city. 13 But when these disciples told what had happened, the others would not believe either.

What Jesus' Followers Must Do

(Matthew 28.16-20; Luke 24.36-49; John 20.19-23; Acts 1.6-8)

14 Afterwards, Jesus appeared to his eleven disciples as they were eating. He scolded them because they were too stubborn to believe the ones who had seen him after he had been raised to life. 15 (B) Then he told them:

Go and preach the good news to everyone in the world. 16 Anyone who believes me and is baptized will be saved. But anyone who refuses to believe me will be condemned. 17 Everyone who believes me will be able to do wonderful things. By using my name they will force out demons, and they will speak new languages. 18 They will handle snakes and will drink poison and not be hurt. They will also heal sick people by placing their hands on them.

Jesus Returns to Heaven

(Luke 24.50-53; Acts 1.9-11)

19 (C) After the Lord Jesus had said these things to the disciples, he was taken back up to heaven where he sat down at the right side[b] of God. 20 Then the disciples left and preached everywhere. The Lord was with them, and the miracles they worked proved that their message was true.

ANOTHER OLD ENDING TO MARK'S GOSPEL[c]

9-10 The women quickly told Peter and his friends what had happened. Later, Jesus sent the disciples to the east and to the west with his sacred and everlasting message of how people can be saved forever.

Footnotes

  1. 16.9 One Old Ending to Mark's Gospel: Verses 9-20 are not in some manuscripts.
  2. 16.19 right side: See the note at 12.36.
  3. 16.9,10 Another Old Ending to Mark's Gospel: Some manuscripts and early translations have both this shorter ending and the longer one (verses 9-20).