Font Size
Marcos 16:4-6
Ang Salita ng Diyos
Marcos 16:4-6
Ang Salita ng Diyos
4 Nang tumingin sila pataas, nakita nila na naigulong na ang bato sapagkat ito ay napakalaki. 5 Nang pumasok sila sa loob ng libingan, nakita nila ang isang binatang nakaupo sa gawing kanan na nakasuot ng puting kasuotan. Dahil dito sila ay lubhang nanggilalas.
6 Sinabi niya sa kanila: Huwag kayong manggilalas. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito! Tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan sa kaniya.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International