Add parallel Print Page Options

14 At pagkatapos (A)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (B)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.

15 At sinabi niya sa kanila, (C)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

16 (D)Ang sumasampalataya at (E)mabautismuhan ay maliligtas; (F)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (G)sa aking pangalan; (H)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;

18 (I)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (J)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (K)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

Read full chapter

36 At (A)samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.

37 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang (B)espiritu.

38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?

39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: (C)hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.

41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, (D)Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?

42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.

43 At kaniyang inabot yaon, (E)at kumain sa harap nila.

44 At sinabi niya sa kanila, (F)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (G)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (H)mga awit.

45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;

46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na (I)kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;

47 At ipangaral sa kaniyang pangalan (J)ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan (K)sa lahat ng mga bansa, (L)magbuhat sa Jerusalem.

48 (M)Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.

49 At narito, (N)ipadadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapuwa't magsipanatili kayo sa bayan, (O)hanggang sa kayo'y masangkapan ng (P)kapangyarihang galing sa itaas.

Read full chapter

19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (A)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (B)Kapayapaan ang sumainyo.

20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (C)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.

21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (D)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

22 At nang masabi niya ito, (E)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:

23 Sinomang inyong patawarin ng mga (F)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.

Read full chapter

Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, (A)isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?

At sinabi niya sa kanila, (B)Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.

Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga (C)saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at (D)Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

Read full chapter