Add parallel Print Page Options

Si Jesus sa Harap ni Pilato

15 Kapagdaka, sa kinaumagahan, ang mga pinunong-saserdote ay bumuo ng sanggunian kasama ang mga matanda at mga guro ng kautusan at ang buong Sanhedrin. Kanilang tinalian si Jesus at ibinigay nila siya kay Pilato.

Tinanong siya ni Pilato: Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?

Sumagot si Jesus na nagsasabi: Tama ang iyong sinabi.

Ang mga pinunong-saserdote ay nagparatang sa kaniya ng maraming bagay. Tinanong siyang muli ni Pilato na nagsasabi: Tingnan mo kung gaano karami ang paratang nila laban sa iyo. Hindi ka ba sasagot?

Ngunit hindi pa rin tumugon si Jesus at namangha si Pilato.

Ngayon, sa araw ng paggunita, kaugalian ni Pilato na magpalaya sa kanila ng isang bilanggo na nais nilang hingin. Mayroong isang lalaki na kung tawagin ay Barabas. Siya ay nakabilanggo kasama ang kapwa niyang mga maghihimagsik na nakapatay sa isang pag-aalsa. Nagsimulang humiling kay Pilato ang napakaraming tao. Hiniling nila na gawin niya ang nakaugalian niyang ginagawa para sa kanila.

Sumagot sa kanila si Pilato na nagsasabi: Nais ba ninyong pakawalan ko sa inyo ang Hari ng mga Judio? 10 Sinabi niya ito dahil batid niya na dinala si Jesus ng mga pinunong-saserdote dahil sa inggit. 11 Inudyukan ng mga pinunong-saserdote ang napakaraming tao na ang pawalan para sa kanila ay si Barabas.

12 Sumagot muli si Pilato. Sinabi niya sa kanila: Ano ang nais ninyong gawin ko sa kaniya na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio.

13 Muli silang sumigaw: Ipako siya sa krus!

14 Sinabi ni Pilato sa kanila: Ano bang kasamaan ang kaniyang ginawa?

Higit pa silang sumigaw: Ipako siya sa krus!

15 Sa pagnanais ni Pilato na bigyang-lugod ang napaka­raming tao ay pinalaya niya si Barabas sa kanila. Si Jesus naman pagkatapos na hagupitin ay ibinigay sa kanila upang ipako siya sa krus.

Nilibak ng mga Kawal si Jesus

16 Dinala siya ng mga kawal sa loob ng patyo na tinatawag na hukuman. Tinawag nila ang buong batalyon ng mga kawal na naroroon upang magtipon.

17 Sinuotan nila siya ng kulay ubeng damit. Nagsalapid din sila ng koronang tinik at inilagay nila ito sa kaniya. 18 Nagsimula silang bumati sa kaniya na sinasabi: Binabati, Hari ng mga Judio. 19 Hinampas nila siya sa ulo sa pamamagitan ng tambo at dinuraan siya. Lumuhod sila at sinamba siya. 20 Matapos nila siyang kutyain, hinubad nila ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. Kanilang inaakay siya papalabas upang ipako sa krus.

Ipinako Nila si Jesus sa Krus

21 May isang dumadaan na pinilit nilang magbuhat ngkrus ni Jesus. Ito ay si Simon na taga-Cerene na dumating galing sa kaniyang bukid. Siya ang ama ni Alejandro at ni Rufo.

22 Dinala nila si Jesus sa dako ng Golgota na ang kahulugan ay dako ng bungo. 23 Binigyan nila siya ng alak na may halong mira upang kaniyang inumin ngunit hindiniya ito tinanggap. 24 Matapos siyang ipako sa krus, pinaghati-hatian nila ang kaniyang mga damit. Nagpalabunutan sila upang malaman nila kung kanino at ano ang madadala ng bawat isa.

25 Ika-tatlo na ang oras nang siya ay ipako nila sa krus. 26 Mayroong paratang na nakasulat, na nakaukit sa kaniyang ulunan: ANG HARI NG MGA JUDIO. 27 Ipinako rin nila sa krus kasama ni Cristo ang dalawang tulisan, ang isa ay nasa kanan at ang isa ay nasa kaliwa. 28 Ito ang kaganapan ng mga kasulatan na nagsasabi: Siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos. 29 Nilait siya ng mga dumaraan. Umiiling sila na nagsasabi: Aba! Gigibain mo ang banal na dako at sa ikatlong araw ay itatayo ito. 30 Iligtas mo ang iyong sarili at bumaba ka sa krus.

31 Sa ganoon ding paraan ay kinukutya siya ng mga pinunong-saserdote kasama ang mga guro ng kautusan. Sinabi nila: Iniligtas niya ang iba ngunit hindi naman niya mailigtas ang kaniyang sarili. 32 Bumaba mula sa krus ang Mesiyas, ang Hari ng Israel upang makita natin at tayo ay maniwala. Yaong mga kasama niyang ipinako ay inalipusta din siya.

Si Jesus ay Namatay

33 Nang dumating ang ika-anim na oras, dumilim ang buong lupa hanggang sa ika-siyam na oras.

34 At sa ika-siyam na oras, sumigaw si Jesus ng malakas na tinig na nagsasabi: Eloi, Eloi, lama sabachthani? Ang kahulugan nito ay: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?

35 Narinig ito ng ilan sa mga nakatayo na malapit doon. Sinabi nila: Narito, tinatawag niya si Elias.

36 Tumakbo ang isang tao at pinuno ang isang espongha ng maasim na alak. Inilagay niya ito sa isang tambo. Ibinigay niya ito upang ipainom sa kaniya na nagsasabi: Pabayaan ninyo siya. Tingnan natin kung darating si Elias upang ibaba siya.

37 Ngunit sumigaw si Jesus nang malakas na tinig. Pagkatapos nito, nalagutan siya ng hininga.

38 Ang makapal na tabing ng banal na dako ay napunit sa dalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba. 39 Isang Kapitan ng Romano ang nakatayo sa tapat niya. Pagkatapos niyang makita na sumigaw si Jesus at nakitang nalagutan ng hininga, siya ay nagsabi: Totoong ang taong ito ay ang Anak ng Diyos.

40 May mga babae ring nakamasid mula sa malayo. Kabilang sa mga ito si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago, na maliit, at ni Jose. Kabilang din si Salome. 41 Sila rin ang sumunod at naglingkod kay Jesus nang siya ay nasa Galilea. Naroroon din ang maraming babae na sumunod sa kaniya sa Jerusalem.

Inilibing Nila si Jesus

42 Noon ay araw ng Paghahanda, nang gumabi, na siyang araw bago ang araw ng Sabat.

43 At dumating si Jose na taga-Arimatea na isang marangal na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay naghihintay din sa paghahari ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. 44 Namangha si Pilato na patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang Kapitan at itinanong niya kung matagal nang patay si Jesus. 45 Nang mabatid niya ito sa Kapitan pinahintulutan niya si Jose na kunin ang bangkay ni Jesus. 46 Bumili siya ng telang lino. Ibinaba niya siya at binalot ng telang lino at inilagay sa libingan. Ang libingan ay iniuka sa bato at sa bukana nito ay may iginulong na bato. 47 Nakita ni Maria na taga-Magdala at ni Maria na ina ni Jose kung saan siya inilagay.

Jesus before Pilate

15 (A)Early in the morning the chief priests with the elders and scribes and the whole [a](B)Council, immediately held a consultation; and binding Jesus, they led Him away and delivered Him to Pilate. (C)Pilate questioned Him, “Are You the King of the Jews?” And He *answered him, It is as you say.” The chief priests began to accuse Him [b]harshly. Then Pilate questioned Him again, saying, “Do You not answer? See how many charges they bring against You!” But Jesus (D)made no further answer; so Pilate was amazed.

(E)Now at the feast he used to release for them any one prisoner whom they requested. The man named Barabbas had been imprisoned with the insurrectionists who had committed murder in the insurrection. The crowd went up and began asking him to do as he had been accustomed to do for them. Pilate answered them, saying, “Do you want me to release for you the King of the Jews?” 10 For he was aware that the chief priests had handed Him over because of envy. 11 But the chief priests stirred up the crowd (F)to ask him to release Barabbas for them instead. 12 Answering again, Pilate said to them, “Then what shall I do with Him whom you call the King of the Jews?” 13 They shouted [c]back, “Crucify Him!” 14 But Pilate said to them, “Why, what evil has He done?” But they shouted all the more, “Crucify Him!” 15 Wishing to satisfy the crowd, Pilate released Barabbas for them, and after having Jesus (G)scourged, he handed Him over to be crucified.

Jesus Is Mocked

16 (H)The soldiers took Him away into (I)the [d]palace (that is, the Praetorium), and they *called together the whole Roman [e](J)cohort. 17 They *dressed Him up in purple, and after twisting a crown of thorns, they put it on Him; 18 and they began to acclaim Him, “Hail, King of the Jews!” 19 They kept beating His head with a [f]reed, and spitting on Him, and kneeling and bowing before Him. 20 After they had mocked Him, they took the purple robe off Him and put His own garments on Him. And they *led Him out to crucify Him.

21 (K)They *pressed into service a passer-by coming from the country, Simon of Cyrene (the father of Alexander and (L)Rufus), to bear His cross.

The Crucifixion

22 (M)Then they *brought Him to the place (N)Golgotha, which is translated, Place of a Skull. 23 They tried to give Him (O)wine mixed with myrrh; but He did not take it. 24 And they *crucified Him, and *(P)divided up His garments among themselves, casting [g]lots for them to decide [h]what each man should take. 25 It was the [i](Q)third hour [j]when they crucified Him. 26 The inscription of the charge against Him [k]read, “(R)THE KING OF THE JEWS.”

27 They *crucified two robbers with Him, one on His right and one on His left. 28 [[l]And the Scripture was fulfilled which says, “And He was numbered with transgressors.”] 29 Those passing by were [m]hurling abuse at Him, (S)wagging their heads, and saying, “Ha! You who are going to (T)destroy the temple and rebuild it in three days, 30 save Yourself, and come down from the cross!” 31 In the same way the chief priests also, along with the scribes, were mocking Him among themselves and saying, “(U)He saved others; [n]He cannot save Himself. 32 Let this Christ, (V)the King of Israel, now come down from the cross, so that we may see and believe!” (W)Those who were crucified with Him were also insulting Him.

33 (X)When the [o](Y)sixth hour came, darkness [p]fell over the whole land until the [q](Z)ninth hour. 34 At the (AA)ninth hour Jesus cried out with a loud voice, (AB)Eloi, Eloi, lama sabachthani?” which is translated, My God, My God, why have You forsaken Me?” 35 When some of the bystanders heard it, they began saying, “Behold, He is calling for Elijah.” 36 Someone ran and filled a sponge with sour wine, put it on a reed, and gave Him a drink, saying, “[r]Let us see whether Elijah will come to take Him down.” 37 (AC)And Jesus uttered a loud cry, and breathed His last. 38 (AD)And the veil of the temple was torn in two from top to bottom. 39 (AE)When the centurion, who was standing [s]right in front of Him, saw [t]the way He breathed His last, he said, “Truly this man was [u]the Son of God!”

40 (AF)There were also some women looking on from a distance, among whom were Mary Magdalene, and Mary the mother of [v]James (AG)the [w]Less and Joses, and (AH)Salome. 41 When He was in Galilee, they used to follow Him and [x](AI)minister to Him; and there were many other women who came up with Him to Jerusalem.

Jesus Is Buried

42 (AJ)When evening had already come, because it was (AK)the preparation day, that is, the day before the Sabbath, 43 Joseph of Arimathea came, a (AL)prominent member of the Council, who himself was (AM)waiting for the kingdom of God; and he (AN)gathered up courage and went in before Pilate, and asked for the body of Jesus. 44 Pilate wondered if He was dead by this time, and summoning the centurion, he questioned him as to whether He was already dead. 45 And ascertaining this from (AO)the centurion, he granted the body to Joseph. 46 Joseph bought a linen cloth, took Him down, wrapped Him in the linen cloth and laid Him in a tomb which had been hewn out in the rock; and he rolled a stone against the entrance of the tomb. 47 (AP)Mary Magdalene and Mary the mother of Joses were looking on to see where He was laid.

Footnotes

  1. Mark 15:1 Or Sanhedrin
  2. Mark 15:3 Or of many things
  3. Mark 15:13 Or again
  4. Mark 15:16 Or court
  5. Mark 15:16 Or battalion
  6. Mark 15:19 Or staff (made of a reed)
  7. Mark 15:24 Lit a lot upon
  8. Mark 15:24 Lit who should take what
  9. Mark 15:25 I.e. 9 a.m.
  10. Mark 15:25 Lit and
  11. Mark 15:26 Lit had been inscribed
  12. Mark 15:28 Early mss do not contain this v
  13. Mark 15:29 Or blaspheming
  14. Mark 15:31 Or can He not save Himself?
  15. Mark 15:33 I.e. noon
  16. Mark 15:33 Or occurred
  17. Mark 15:33 I.e. 3 p.m.
  18. Mark 15:36 Lit Permit that we see; or Hold off, let us see
  19. Mark 15:39 Or opposite Him
  20. Mark 15:39 Lit that He thus
  21. Mark 15:39 Or a son of God or son of a god
  22. Mark 15:40 Or Jacob
  23. Mark 15:40 Lit little (either in stature or age)
  24. Mark 15:41 Or wait on