Add parallel Print Page Options

Inilibing Nila si Jesus

42 Noon ay araw ng Paghahanda, nang gumabi, na siyang araw bago ang araw ng Sabat.

43 At dumating si Jose na taga-Arimatea na isang marangal na kasapi ng Sanhedrin. Siya ay naghihintay din sa paghahari ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato upang hingin ang katawan ni Jesus. 44 Namangha si Pilato na patay na si Jesus. Ipinatawag niya ang Kapitan at itinanong niya kung matagal nang patay si Jesus.

Read full chapter