Add parallel Print Page Options

39 Isang Kapitan ng Romano ang nakatayo sa tapat niya. Pagkatapos niyang makita na sumigaw si Jesus at nakitang nalagutan ng hininga, siya ay nagsabi: Totoong ang taong ito ay ang Anak ng Diyos.

40 May mga babae ring nakamasid mula sa malayo. Kabilang sa mga ito si Maria na taga-Magdala at si Maria na ina ni Santiago, na maliit, at ni Jose. Kabilang din si Salome. 41 Sila rin ang sumunod at naglingkod kay Jesus nang siya ay nasa Galilea. Naroroon din ang maraming babae na sumunod sa kaniya sa Jerusalem.

Read full chapter