Add parallel Print Page Options

Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Saan man ipangaral ang ebanghelyo sa buong sanlibutan, ang ginawa niyang ito ay mababanggit. Ito ay magiging isang pag-alaala sa kaniya.

10 Si Judas na taga-Keriot, isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga pinunong-saserdote upang ipagkanulo si Jesus. 11 Pagkarinig nila, sila ay natuwa at nangakong bigyan siya ng salapi. Naghanap siya ng tamang panahon kung papaano ipagkakanulo si Jesus sa kanila.

Read full chapter