Marcos 14:30-32
Magandang Balita Biblia
30 Sabi ni Jesus sa kanya, “Tandaan mo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok nang makalawa, tatlong beses mo akong ikakaila.”
31 Subalit lalong ipinagdiinan ni Pedro, “Kahit ako'y pataying kasama ninyo, hindi ko kayo ikakaila.” Ganoon din ang sinabi ng lahat.
Ang Panalangin sa Getsemani(A)
32 Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.”
Read full chapter
Marcos 14:30-32
Ang Biblia (1978)
30 At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok (A)ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.
31 Datapuwa't lalo nang nagmatigas siya na sinabi, Kahima't kailangang mamatay akong kasama mo, ay hindi kita ikakaila. At sinabi rin naman ng lahat ang gayon din.
32 At (B)nagsirating sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani: at sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin.
Read full chapter
Marcos 14:30-32
Ang Biblia, 2001
30 Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, itatatwa mo ako nang tatlong ulit.”
31 Ngunit sinabi niya nang may diin, “Kung kinakailangang mamatay akong kasama mo, hindi kita ipagkakaila.” Gayundin ang sinabi ng lahat.
Nanalangin si Jesus sa Getsemani(A)
32 Pagkatapos ay nagpunta sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani at sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Maupo kayo rito habang ako'y nananalangin.”
Read full chapter
Mark 14:30-32
New International Version
30 “Truly I tell you,” Jesus answered, “today—yes, tonight—before the rooster crows twice[a] you yourself will disown me three times.”(A)
31 But Peter insisted emphatically, “Even if I have to die with you,(B) I will never disown you.” And all the others said the same.
Gethsemane(C)
32 They went to a place called Gethsemane, and Jesus said to his disciples, “Sit here while I pray.”
Footnotes
- Mark 14:30 Some early manuscripts do not have twice.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.