Add parallel Print Page Options

14 Pagkaraan nga ng dalawang araw (A)ay kapistahan ng paskua at ng mga tinapay na walang lebadura: at pinagsisikapan ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba kung paanong siya'y huhulihin sa pamamagitan ng daya, at siya'y maipapatay.

Sapagka't sinasabi nila, Huwag sa kapistahan, baka magkagulo ang bayan.

At samantalang siya'y nasa Betania (B)sa bahay ni Simon na ketongin, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain, ay dumating ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro na puno ng unguentong nardo na totoong mahalaga; at binasag niya ang sisidlan, at ibinuhos sa kaniyang ulo.

Read full chapter