Add parallel Print Page Options

26 Sa oras ding iyon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating, na nasa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 Sa oras ding iyon, susuguin niya ang mga anghel. Titipunin niya ang kaniyang mga pinili mula sa apat na sulok ng daigdig. Titipunin niya sila mula sa dulo ng daigdig hanggang sa dulo ng langit.

28 Pag-aralan ninyo ang talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay nananariwa na at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-init.

Read full chapter