Font Size
Marcos 11:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Marcos 11:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem(A)
11 Nang malapit na sina Jesus sa Jerusalem, tumigil sila sa Bundok ng mga Olibo malapit sa mga nayon ng Betfage at Betania.[a] Pinauna ni Jesus ang dalawa niyang tagasunod. 2 Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang batang asno na nakatali, na hindi pa nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. 3 Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon at ibabalik din agad.”
Read full chapterFootnotes
- 11:1 tumigil … Betania: o, tumigil sila sa mga nayon ng Betfage at Betania, sa Bundok ng mga Olibo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®