Add parallel Print Page Options

May isang tinig ng isang sumisigaw sa ilang. Sinabi niya: Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Si Juan ay dumating na nagbabawtismo sa ilang. Ipina­pangaral niya ang bawtismo ng pagsisisi para sa ikapagpapa­tawad ng mga kasalanan. Pumunta sa kaniya ang lahat ng mga taga-Judea at lahat ng mga taga-Jerusalem. Inihahayag nila ang kanilang mga kasalanan, at lahat sila ay binawtismuhan ni Juan sa ilog ng Jordan.

Read full chapter