Add parallel Print Page Options

Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)

10 Nang nakauwi na ang mga tao, tinanong siya ng 12 apostol at ng iba pang mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghagang iyon. 11 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa iba[a] ay ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, 12 upang matupad ang nakasulat sa Kasulatan,

    ‘Tumingin man sila nang tumingin, hindi sila makakakita.
    Makinig man sila nang makinig, hindi sila makakaunawa.
    Dahil kung makakaunawa sila, magsisisi sila sa kanilang kasalanan at patatawarin sila ng Dios.’[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:11 sa iba: sa literal, sa mga nasa labas. Maaaring ang mga tinutukoy dito ay ang mga nasa labas ng kanilang grupo o ang mga hindi sumasampalataya kay Jesus.
  2. 4:12 Isa. 6:9-10.

Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)

Tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon. 10 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakita, at makinig man silaʼy hindi makaunawa.’ ”[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 8:10 Isa. 6:9.