Eclesiastes 6
Ang Biblia, 2001
6 May kasamaan akong nakita sa ilalim ng araw, at ito'y mabigat sa mga tao:
2 isang tao na binibigyan ng Diyos ng kayamanan, mga ari-arian, at karangalan, na anupa't walang kulang sa lahat ng kanyang ninanasa. Gayunma'y hindi siya binibigyan ng Diyos ng kapangyarihan na tamasahin ang mga iyon, kundi dayuhan ang nagtatamasa sa mga iyon; ito'y walang kabuluhan at mabigat na kapighatian.
3 Kung ang isang tao ay magkaanak ng isandaan, at mabuhay ng maraming taon, at ang mga araw ng kanyang mga taon ay dumami, ngunit hindi niya tinatamasa ang mabubuting bagay sa buhay, at hindi rin siya maililibing, aking masasabi na ang pagkapanganak na wala sa panahon ay mas mabuti pa kaysa kanya.
4 Sapagkat iyon ay dumarating sa walang kabuluhan at papunta sa kadiliman, at ang pangalan niyon ay natatakpan ng kadiliman.
5 Bukod dito, hindi nito nakita ang araw o nakilala man; gayunma'y nakatagpo ito ng kapahingahan na di gaya niya.
6 Kahit na siya'y mabuhay ng isang libong taon na dalawang ulit na sinabi, ngunit hindi nagtamasa ng mabuti—hindi ba tutungo ang lahat sa iisang dako?
7 Lahat ng pagpapagod ng tao ay para sa kanyang bibig, gayunma'y hindi nasisiyahan ang kanyang panlasa.
8 Sapagkat anong kalamangan mayroon ang pantas sa hangal? At anong mayroon ang dukha na marunong kumilos sa harapan ng mga buháy?
9 Mas mabuti pa ang nakikita ng mga mata kaysa pagala-galang pagnanasa, ito man ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
10 Anumang nangyari ay matagal nang alam, at nalalaman na kung ano ang tao, na hindi niya kayang makipagtalo sa higit na malakas kaysa kanya.
11 Mas maraming salita, mas maraming walang kabuluhan, kaya't paanong nakakahigit ang isa?
12 Sapagkat sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao habang nabubuhay siya ng ilang araw sa kanyang walang kabuluhang buhay, na kanyang ginugol na gaya ng anino? Sapagkat sinong makapagsasabi sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?
Ecclesiastes 6
New International Version
6 I have seen another evil under the sun, and it weighs heavily on mankind: 2 God gives some people wealth, possessions and honor, so that they lack nothing their hearts desire, but God does not grant them the ability to enjoy them,(A) and strangers enjoy them instead. This is meaningless, a grievous evil.(B)
3 A man may have a hundred children and live many years; yet no matter how long he lives, if he cannot enjoy his prosperity and does not receive proper burial, I say that a stillborn(C) child is better off than he.(D) 4 It comes without meaning, it departs in darkness, and in darkness its name is shrouded. 5 Though it never saw the sun or knew anything, it has more rest than does that man— 6 even if he lives a thousand years twice over but fails to enjoy his prosperity. Do not all go to the same place?(E)
7 Everyone’s toil is for their mouth,
yet their appetite is never satisfied.(F)
8 What advantage have the wise over fools?(G)
What do the poor gain
by knowing how to conduct themselves before others?
9 Better what the eye sees
than the roving of the appetite.
This too is meaningless,
a chasing after the wind.(H)
10 Whatever exists has already been named,(I)
and what humanity is has been known;
no one can contend
with someone who is stronger.
11 The more the words,
the less the meaning,
and how does that profit anyone?
12 For who knows what is good for a person in life, during the few and meaningless days(J) they pass through like a shadow?(K) Who can tell them what will happen under the sun after they are gone?
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

