Add parallel Print Page Options

Walang Kabuluhan ang Kayamanan

Narito ang isang kawalan ng katarungan na nagaganap sa mundo: Isang tao na binigyan ng Diyos ng malaking kayamanan, maraming ari-arian, at karangalan. Sa kasawiang-palad, hindi niloob ng Diyos na tamasahin niya ang kasiyahang dulot ng mga bagay na ito; bagkus ay iba ang nakinabang. Ito man ay walang kabuluhan[a] at nagdudulot lamang ng sama ng loob. Mabuti pang di hamak ang sanggol na ipinanganak na patay kaysa isang taong nagkaanak ng 100 at nabuhay nang matagal ngunit hindi naranasan ang maging masaya at hindi pinarangalan nang siya ay ilibing.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .