Add parallel Print Page Options

Nakaipon ako ng napakaraming ginto, pilak at iba pang mga kayamanang galing sa mga hari at mga lugar na aking nasasakupan. Marami akong mang-aawit, lalaki man o babae at marami rin akong mga asawa[a] – ang kaligayahan ng isang lalaki. Ako ang pinakamayaman at pinakamarunong na taong nabuhay sa buong Jerusalem.

10 Nakukuha ko ang lahat ng magustuhan ko. Ginawa ko ang lahat ng inakala kong makapagpapaligaya sa akin. Nasiyahan ako sa lahat ng pinaghirapan ko. Ito ang gantimpala sa lahat ng pagsusumikap ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:8 mga asawa: Hindi malinaw ang ibig sabihin nito sa Hebreo.