Add parallel Print Page Options

Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan. Kaya alalahanin mo ang Dios habang nabubuhay ka, habang hindi pa nalalagot ang kadenang pilak at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan, o hindi pa nalalagot ang tali ng timba sa balon, at nasisira ang kalo nito. Kung magkagayon, babalik ka sa lupa kung saan ka nagmula at ang espiritu[a] moʼy babalik sa Dios na siyang nagbigay nito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:7 espiritu: o, hininga. Tingnan sa Salmo 104:29 at Job 12:10.