Add parallel Print Page Options

12 Alalahanin mo ang lumikha sa iyo habang bata ka pa at bago dumating ang panahon ng kahirapan at masabi mong, “Hindi ako masaya sa buhay ko.” Alalahanin mo siya bago dumilim ang araw, ang buwan at ang mga bituin na parang natatakpan ng makakapal na ulap. Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig[a] at manghihina ang iyong mga tuhod.[b] Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin.[c] At lalabo na ang iyong paningin.[d]

Read full chapter

Footnotes

  1. 12:3 bisig: sa literal, mga bantay ng bahay.
  2. 12:3 tuhod: sa literal, malalakas na lalaki.
  3. 12:3 ngipin: sa literal, mga babaeng tagagiling ng butil.
  4. 12:3 paningin: sa literal, mga babaeng nakasilip sa bintana.