Mangangaral 11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Gawain ng Taong Marunong
11 Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo at sa kalaunan ay kikita ka.[a] 2 Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang[b] negosyo,[c] dahil hindi mo alam kung anong kalamidad ang darating dito sa mundo. 3 Kapag makapal na ang ulap, magbubuhos ito ng ulan sa mundo. At kung saan natumba ang puno, doon iyon mananatili.[d] 4 Kung palagi ka lang maghihintay ng magandang panahon, hindi ka makakapagtanim at wala kang aanihin.
5 Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.
6 Maghasik ka ng binhi sa umaga hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin sa itinanim mo ang tutubo, o kung lahat ito ay tutubo. 7 Masarap mabuhay, kaya mas mabuting mabuhay. 8 Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
9 Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang kayoʼy bata pa. Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin, pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Dios ayon sa inyong mga ginawa. 10 Huwag kayong mag-alala o mabalisa man dahil ang panahon ng kabataan ay lumilipas lang.
Footnotes
- 11:1 Ipuhunan … ka: o, Bukas-palad kang magbigay at hindi magtatagal ikaw din ay magkakaroon.
- 11:2 ibaʼt ibang: sa literal, pito o walo.
- 11:2 Ilagay … negosyo: o, Magbigay ka sa maraming tao.
- 11:3 Maaaring ang tinutukoy dito ay ang mga nangyayari sa mundo, katulad ng mga kalamidad na hindi mapipigilan ng tao.
Prædikeren 11
Dette er Biblen på dansk
11 Kast dit Brød på Vandet, Thi du får det igen, går end lang Tid hen. 2 Del dit Gods i syv otte Dele, thi du ved ej, hvad ondt der kanske på Jorden. 3 Er Skyerne fulde af Regn, så gyder de den ud over Jorden; og falder et Træ mod Syd eller Nord; så bliver det liggende der, hvor det falder. 4 Man får aldrig sået, når man kigger efter Vinden, og aldrig høstet, når man ser efter Skyerne. 5 Som du ikke kender Vindens Vej eller Fostret i Moders Liv, så kender du ej heller Guds Virke, han, som virker alt. 6 Så din Sæd ved Gry og lad Hånden ej hvile ved Kvæld; thi du ved ej, om dette eller hint vil lykkes, eller begge Dele er lige gode. 7 Lyset er lifligt, at skue Solen er godt for Øjnene; 8 ja, lever et Menneske mange År, skal han glæde sig over dem alle og komme Mørkets Dage i Hu, thi af dem er der mange i Vente; alt, hvad der kommer, er Tomhed.
9 Glæd dig, Yngling, i din Ungdom, vær vel til Mode i Livets Vår; gå, hvor dit Hjerte lyster, og nyd, hvad dit Øje skuer; men vid, at for alle disse Ting skal du kræves til Regnskab af Gud. 10 Slå Mismod ud af dit Sind, hold Sygdom fjernt fra din Krop; thi Ungdom og Livsgry er Tomhed!
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®