Add parallel Print Page Options

Ang mga Gawain ng Marunong

11 Maghagis ka ng tinapay sa gitna ng karagatan at may mapapakinabangan ka pagdating ng araw. Hatiin sa pito, sa walo ang kalakal mo pagkat di mo masisiguro kung ano ang kasamaang mangyayari sa mundo.

Kapag ang ulap ay maitim na't di makaya ang hangin, nagiging ulan itong bumubuhos sa daigdig. Kung saan nakahapay ang punongkahoy ay doon ito mabubuwal. Ang naghihintay sa pagtigil ng hangin ay di-kailanman makapaghahasik ng kanyang binhi. At ang nag-aalala sa patak ng ulan ay di makapag-aani. Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. Sa umaga, inihahasik mo ang iyong binhi. Hindi ka tumitigil sa paggawa hanggang gabi sapagkat di mo tiyak kung alin ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. O kaya'y umaasa kang lahat ay iyong papakinabangan.

Masarap ang nasa liwanag at kay gandang pagmasdan ang araw. Kung ang tao'y mabubuhay nang matagal, dapat niyang ikagalak iyon. Ngunit alalahanin niyang ang darating na panahon ng kadiliman ay mas mahaba. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.[a]

Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang gusto mo at lahat ng kaakit-akit sa paningin mo. Ngunit tandaan mong ang lahat ng ito'y iyong ipagsusulit sa Diyos.

10 Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang walang kabuluhan.[b]

Footnotes

  1. Mangangaral 11:8 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .
  2. Mangangaral 11:10 walang kabuluhan: o kaya'y isang palaisipan .

The Value of Diligence

11 Cast your bread (A)upon the waters,
(B)For you will find it after many days.
(C)Give a serving (D)to seven, and also to eight,
(E)For you do not know what evil will be on the earth.

If the clouds are full of rain,
They empty themselves upon the earth;
And if a tree falls to the south or the north,
In the place where the tree falls, there it shall lie.
He who observes the wind will not sow,
And he who regards the clouds will not reap.

As (F)you do not know what is the way of the [a]wind,
(G)Or how the bones grow in the womb of her who is with child,
So you do not know the works of God who makes everything.
In the morning sow your seed,
And in the evening do not withhold your hand;
For you do not know which will prosper,
Either this or that,
Or whether both alike will be good.

Truly the light is sweet,
And it is pleasant for the eyes (H)to behold the sun;
But if a man lives many years
And (I)rejoices in them all,
Yet let him (J)remember the days of darkness,
For they will be many.
All that is coming is vanity.

Seek God in Early Life

Rejoice, O young man, in your youth,
And let your heart cheer you in the days of your youth;
(K)Walk in the [b]ways of your heart,
And [c]in the sight of your eyes;
But know that for all these
(L)God will bring you into judgment.
10 Therefore remove [d]sorrow from your heart,
And (M)put away evil from your flesh,
(N)For childhood and [e]youth are vanity.

Footnotes

  1. Ecclesiastes 11:5 Or spirit
  2. Ecclesiastes 11:9 Impulses
  3. Ecclesiastes 11:9 As you see to be best
  4. Ecclesiastes 11:10 vexation
  5. Ecclesiastes 11:10 Prime of life