Add parallel Print Page Options

10 Ang isang boteng pabango ay mapababaho ng isang patay na langaw. Ang bahagyang kamangmangan ay nakakasira sa karunungan at karangalan.

Ang matalino'y inaakay ng kanyang isipan tungo sa kabutihan. Ngunit ang mangmang ay hinihila ng kanyang damdamin tungo sa kasamaan. Maging sa paglalakad ng mangmang ay nahahalata ang kanyang kahangalan. Nakikilala ng lahat na siya ay mangmang.

Kung ang pinuno mo'y magalit sa iyo, huwag kang magbibitiw sa iyong tungkulin, sapagkat maging ang malaking pagkakamali ay mapapatawad kung ikaw ay magiging mahinahon.

Ito pa ang isang di-makatuwirang nangyayari sa buong mundo, na may kinalaman sa pamumuno: Ang mga mangmang ay inilalagay sa matataas na tungkulin ngunit ang mayaman ay sa mababang uri ng gawain. Nakakita ako ng mga aliping nakasakay sa kabayo samantalang ang mga pinuno ay naglalakad.

Ang(A) nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon; ang lumulusot sa mga pader ay matutuklaw ng ahas. Ang nagtitibag ng bato ay malamang na mabagsakan nito. Ang nagpuputol ng troso ay nanganganib na madaganan niyon. 10 Ang palakol ay pumupurol kapag hindi hinahasa. Ang mahusay na plano ay nakakatulong nang malaki sa pagtatagumpay. 11 Walang kabuluhan ang kapangyarihan ng nagpapaamo ng ahas kung hindi gagamitin sa pagsaway nito. 12 Ang mga salita ng matalino ay nag-aani ng karangalan, ngunit napapahamak ang mangmang dahil sa kanyang mga salita. 13 Ang pangungusap ng mangmang ay nag-uumpisa sa kamangmangan, hanggang matapos, ito pa ri'y kamangmangan. 14 Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na?

15 Ang pagpapagod ng mangmang ang nagpapahina sa kanya, at hindi man lamang niya alam ang daan papunta sa bayan niya.

16 Kawawa ang lupain na ang hari'y isip bata, at ang mga pinuno'y mahilig sa handaan. 17 Ngunit mapalad ang lupain na may haring matino at may mga pinunong nakakaalam kung kailan dapat magdiwang.

18 Kung pabaya ang may-ari, ang bubong ay masisira; kung siya ay tamad, mawawasak ang buong bahay.

19 Ang pagkain ay nagdudulot ng kasiyahan, at nagpapasaya sa buhay ang inumin. Ito'y mabibiling lahat ng salapi.

20 Ni sa isip ay huwag susumpain ang inyong hari, ni sa pag-iisa'y huwag hamakin ang mayayaman pagkat may pakpak ang balita at may tainga ang lupa.

Ang pagkakaawang gawa at ang kasipagan ay dapat gawin na may pagasa.

10 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: (A)gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.

Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.

Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at (B)kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.

Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, (C)huwag kang umalis: (D)sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:

(E)Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.

Nakakita ako ng mga (F)alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

(G)Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.

Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; (H)at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.

10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.

11 Kung ang ahas ay (I)kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.

12 Ang mga (J)salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.

13 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.

14 (K)Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; (L)at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?

15 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.

16 (M)Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay (N)nagsisikain sa umaga!

17 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang (O)iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

18 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.

19 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, (P)at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

20 (Q)Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.

10 Ang mga patay na langaw ay nagpapabaho sa unguento ng manggagawa ng pabango: gayon ang munting kamangmangan ay sumisira ng karunungan at karangalan.

Ang puso ng pantas na tao ay nasa kaniyang kanang kamay; nguni't ang puso ng mangmang ay sa kaniyang kaliwa.

Oo gayon din, pagka ang mangmang ay lumalakad sa daan, ay nawawalan siya ng bait, at kaniyang sinasabi sa bawa't isa, na siya'y isang ulol.

Kung ang diwa ng pinuno ay bumangon laban sa iyo, huwag kang umalis: sapagka't ang pagpapakalumanay ay nagpapalikat ng mga malaking pagkagalit.

May isang kasamaan, na nakita ko sa ilalim ng araw na tila kamalian na nanggagaling sa pinuno:

Ang mangmang ay nauupo sa malaking karangalan, at ang mayaman ay nauupo sa mababang dako.

Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

Siyang humuhukay ng lungaw ay mahuhulog doon: at ang sumisira sa pader, ay kakagatin siya ng ahas.

Ang tumatabas ng mga bato ay masasaktan niyaon; at ang pumapalakol ng kahoy ay napapanganib doon.

10 Kung ang bakal ay pumurol, at hindi ihasa ninoman ang talim, marapat nga niyang gamitan ng lalong kalakasan: nguni't ang karunungan ay pinakikinabangang magturo.

11 Kung ang ahas ay kumagat bago maenkanto, wala ngang kapakinabangan sa mangeenkanto.

12 Ang mga salita ng bibig ng pantas ay mapagbiyaya; nguni't ang mga labi ng mangmang ay lalamon sa kaniyang sarili.

13 Ang pasimula ng mga salita ng kaniyang bibig ay kamangmangan: at ang wakas ng kaniyang salita ay makamandag na kaululan.

14 Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?

15 Ang gawa ng mga mangmang ay nagpapayamot sa bawa't isa sa kanila; sapagka't hindi niya nalalaman kung paanong pagparoon sa bayan.

16 Sa aba mo, Oh lupain, kung ang iyong hari ay isang bata, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa umaga!

17 Mapalad ka, Oh lupain, kung ang iyong hari ay anak ng mga mahal na tao, at ang iyong mga pangulo ay nagsisikain sa kaukulang panahon, sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!

18 Sa katamaran ay gumuguho ang bubungan; at di sa pagkilos ng mga kamay ay tumutulo ang bahay.

19 Ang kapistahan ay ginagawa sa ikapagtatawa, at ang alak ay nagpapasaya sa buhay: at ang salapi ay sumasagot sa lahat ng mga bagay.

20 Huwag mong sumpain ang hari, huwag, huwag sa iyong pagiisip; at huwag mong sumpain ang mayaman sa iyong silid na tulugan: sapagka't isang ibon sa himpapawid ay magdadala ng tinig, at ang may mga pakpak ay magsasaysay ng bagay.

10 As dead flies give perfume a bad smell,
    so a little folly(A) outweighs wisdom and honor.
The heart of the wise inclines to the right,
    but the heart of the fool to the left.
Even as fools walk along the road,
    they lack sense
    and show everyone(B) how stupid they are.
If a ruler’s anger rises against you,
    do not leave your post;(C)
    calmness can lay great offenses to rest.(D)

There is an evil I have seen under the sun,
    the sort of error that arises from a ruler:
Fools are put in many high positions,(E)
    while the rich occupy the low ones.
I have seen slaves on horseback,
    while princes go on foot like slaves.(F)

Whoever digs a pit may fall into it;(G)
    whoever breaks through a wall may be bitten by a snake.(H)
Whoever quarries stones may be injured by them;
    whoever splits logs may be endangered by them.(I)

10 If the ax is dull
    and its edge unsharpened,
more strength is needed,
    but skill will bring success.

11 If a snake bites before it is charmed,
    the charmer receives no fee.(J)

12 Words from the mouth of the wise are gracious,(K)
    but fools are consumed by their own lips.(L)
13 At the beginning their words are folly;
    at the end they are wicked madness—
14     and fools multiply words.(M)

No one knows what is coming—
    who can tell someone else what will happen after them?(N)

15 The toil of fools wearies them;
    they do not know the way to town.

16 Woe to the land whose king was a servant[a](O)
    and whose princes feast in the morning.
17 Blessed is the land whose king is of noble birth
    and whose princes eat at a proper time—
    for strength and not for drunkenness.(P)

18 Through laziness, the rafters sag;
    because of idle hands, the house leaks.(Q)

19 A feast is made for laughter,
    wine(R) makes life merry,
    and money is the answer for everything.

20 Do not revile the king(S) even in your thoughts,
    or curse the rich in your bedroom,
because a bird in the sky may carry your words,
    and a bird on the wing may report what you say.

Footnotes

  1. Ecclesiastes 10:16 Or king is a child