Add parallel Print Page Options

“Sundin ninyo[a] ang Kautusang ibinigay ng aking lingkod na si Moises. Ang mga utos at mga tuntuning iyan ay ibinigay ko sa kanya doon sa Bundok ng Sinai[b] upang sundin ng lahat ng mamamayan ng Israel.

“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. Ibabalik niya ang magandang relasyon ng mga magulang at mga anak, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:4 Sundin ninyo: sa literal, Alalahanin ninyo.
  2. 4:4 Bundok ng Sinai: sa Hebreo, Horeb.