Add parallel Print Page Options

Sapagka't (A)ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; (B)sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.

Nguni't kayo'y nagsilihis sa daan; inyong itinisod ang marami sa kautusan; (C)inyong sinira ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Kaya't kayo'y ginawa (D)ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan, ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan, kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan.

Read full chapter