Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Malakias, “Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Dios na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

10 Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “May isa sana sa mga pari nʼyo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar. Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo. 11 Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran.[a] Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog[b] ng malinis[c] na handog sa akin na Panginoong Makapangyarihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:11 mula silangan hanggang kanluran: sa literal, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
  2. 1:11 pinupuri … nagsusunog … naghahandog: o, pupurihin … magsusunog … maghahandog.
  3. 1:11 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog sa Dios.