Add parallel Print Page Options

Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming[a] handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’[b] Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar. Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan nʼyo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.”

Sinabi ni Malakias, “Kayong mga pari, hilingin ninyo sa Dios na kaawaan niya tayo. Pero sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan. Iyan ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:7 marurumi: Ang ibig sabihin hindi dapat ihandog sa Dios.
  2. 1:7 Paano … handog?: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, Paano ka namin nadungisan?