Add parallel Print Page Options

Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na (A)hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.

At (B)pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa (C)iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang (D)lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; (E)ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Read full chapter