Add parallel Print Page Options

11 Ang totoo, pinupuri ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran.[a] Kahit saan nagsusunog ang mga tao ng insenso at naghahandog[b] ng malinis[c] na handog sa akin na Panginoong Makapangyarihan. 12 Pero kayo, nilalapastangan ninyo ako, dahil sinasabi ninyong marumi ang aking altar at walang kabuluhan ang mga inihahandog doon. 13 Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar.[d] Kaya hinahandugan ninyo ako ng mga hayop na may sugat,[e] pilay o may sakit. Akala ba ninyoʼy tatanggapin ko iyan?

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:11 mula silangan hanggang kanluran: sa literal, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
  2. 1:11 pinupuri … nagsusunog … naghahandog: o, pupurihin … magsusunog … maghahandog.
  3. 1:11 malinis: Ang ibig sabihin, maaaring ihandog sa Dios.
  4. 1:13 ang aking altar: o, ako.
  5. 1:13 may sugat: o, ninakaw.